Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

"Hindi Naman Sila Tinutukan eh. Mayabang Yung Magkapatid" Witness Reveals The Real Story Behind Pasay Road Rage - PH TRENDING

Isa ngayon sa pinag-uusapan sa social media ang videong ito na in-upload ng isang netizen na may pangalang Ralph Davenz Altea, na nagsabing siya at ang kapatid niya ay tinutukan ng baril ng isang pulis na si PO2 Manuel Taytayon sa Malibay Pasay noong nakaraang Miyerkules.

Mabilis na kumalat ang video at umani ng libo-libong reaksyon at shares galing sa mga netizens, pero hindi lahat ay inakusahan ang pulis. Ang ibay ay pinagtatanggol pa ito dahil sa pangbabastos ng nasabing tinutukan ng baril ng pulis.

Ang netizen na nakapanood ng video ay sinabing isa siya sa nakakita ng buong pangyayari sa nasabing video at ibinunyag ang totoong pangyayari sa social media.

Isang netizen na may pangalang meli ang nagcomment sa isang video report ng GMA News at sinabing nasaksihan niya ang pangyayari at nakita kung paano "magyabang" at galitin ang pulis sa nasabing video.

Sabi niya sa comment, pagkatapos niya ihatid ang girlfriend niya sa malibay,pasay, nakita niya ang magkapatid at kung paano nila galitin ang pulis para lalong magalit ito.

“Nanjan ako non, hinatid ko ang girflriend ko sa Malibay [pasay]. Hindi naman sila tinutukan eh. Mayabang yung magkapatid, pino-provoke nila si manong, binubully para lalong magalit,” Sabi ni meli.

"Nag video para kunwari sila ang biktima, pero ang totoo sila talaga yung mayayabang. Kung ayaw nyo maniwala, kita naman sa salita sa video, maangas at mayabang talaga.” Sabi pa niya.


Sabi ng ilang netizens kaya mas lalo pang nag-init ng pulis dahil sa ginawang pangbabastos ng magkapatid sa asawa nito.

"Actually madaming tao diyan. Sino namang matinong pulis ang manunutok ng baril sa simpleng pagsaway lang sa kanila? Masikip kasi yung daanan diyan, nung nabusinahan sila, kinatok nila at sinigawan yung nasa loob ng kotse, bumaba si manong kasi misis niya yung nasa part na sinigawan. Di pa naglalabas ng video ang mga bata that time,” Sabi ni meli.

Sabi ni meli, naiintindihan niya ang pulis kung bakit nito kinonpronta ang magkapatid dahil ang gusto nito ipagtanggol ang kanyang asawa sa mga taong sinisigawan siya.

“Normal na galit lang si manong kasi nabastos misis niya, hanggang sa mainis na si manong kasi mayayabang talaga yung magkapatid lalo na yung nagsasalita. Kung makita nila na may naka sukbit na baril, naglabas ng video pero di naman tinutok, inaasar talaga nila, yun lang.” Sabi niya.

Magkaparehas lang ang sinabi ng pulis sa nasabing video sa GMA news. Sa isang interview  kay Taytayon, sinabi niya na ang magkapatid ay kinatok ang bintana ng sasakyan niya at pagkatapos niya ito pagbuksan, ang magkapatid ay sinigawan sila at niyabangan.

“Pagkatok ni sir dito, [car window] ang lakas matapos noong ibinaba ko eh nandito ang asawa ko sabi niya eh.. ano ha? ******!” sabi ni Taytayon sa GMA news.







So what can you say about this article ?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

source: pinoytrending

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]