Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Never Let Your Partner Sleep Upset, You Might Regret It In The Morning. Read This Girl's Message For Her Partner.


Never Let Your Partner Sleep Upset, You Might Regret It In The Morning. Read This Girl's Message For Her Partner.

It is common for a relationship to argue on something. And one of them, will put their ego aside just to settle things down. But some takes eternity to make things better.

It is a long time process for someone to find their true love and stay together for the rest of their lives.

But what if that argument would be your last? Are you going to regret that you didn't put your ego down because you knew you were right?

Read this story on how their bone of contention ended up their last.

September 28,2017. White coat ceremony namin. 18th birthday ko kinabukasan. At araw na nawala ka sakin. Sobrang hirap at sobrang sakit ng mga nangyari, walang araw na hindi ako umiyak, walang araw na nagkaroon ng gana kumain, walang araw na nakatulog ng maayos, at walang araw na hindi ko sinisi sarili ko. Nag-away tayo nung gabing yon, balot ng tampo at sama ng loob ang umikot sa atin, masasakit na salita ang nabato ko sayo. 
Pinairal ko pride ko, pero kahit anong galit at tampo ko sayo hindi kita matiis, kahit gaano kalaki away natin hindi ko magawang iwan ka. Nung gabing yon tumawag ka sakin na umiiyak, kahit nagtatampo ako sinabi ko sayo na palipasin muna natin kasi sobrang busy namin sa school, bukas nalang ulit natin pag-usapan kasi gusto ko nang matulog sa sobrang pagod, at ayoko munang madagdagan sakit ko sa ulo dahil magbibirthday na ako. 
Nakatulog ako na hindi parin tayo ayos. Kinabukasan, pumasok si mama sa kwarto ko akala ko late na ako o di tumunog alarm ko kaya chineck ko kaagad phone ko, may missed call ka at dalawang messages, nagtataka ako kung bakit ginising ako ni mama ng 4am. 9 pa start ng white coat. Inabot niya sakin yung tawag, sabi niya gusto daw ako kausapin ng ate ko, tuwang-tuwa pa ako non kasi akala ko ico-congratulate ako. 
Pagsagot ko sa tawag nakatingin lang sakin si mama na parang may gustong sabihin, mahinahon na sinabi ng ate ko na 
"Bunso ano yung sinasabi nilang wala na daw si renz? Totoo ba yon?" 
Natawa pa ako non at sinabi sa kanilang nanggo-good time ka lang kasi birthday ko na bukas pero walang tumawa ni isa sa kanilang dalawa. Sabi ng ate ko, pinsan mo na mismo nagsabi sa kanya kaya agad ko binuksan facebook ko at sakto sa news feed ko mga nakatag na pictures mo na may captiong RIP. 
Hindi ako naniniwala kaya binuksan ko rin yung dalawa mong messages sakin, 12:37am nagtext kapatid mo gamit number mo na dinala ka daw sa ospital, 1:56am nagtext ulit kapatid mo na wala ka na daw. Pati yung missed call mong 11:57pm. Nawala lahat ng nararamdaman kong excitement at saya. 
Parang bumagsak lahat sakin, Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nung oras na yon, sobrang naging blangko ang utak ko. Naghanap kaagad ako ng jacket at tsinelas para puntahan ka pero nung sinabi ng mama ko sa akin na wala ka na doon na ako nagsimulang umiyak. Ilang beses ko sinampal sarili ko inaasahan kong panaginip lang to lahat pero hindi.  
Yung mga sumunod na araw nawalan na ako ng gana sa lahat, magreview, kumain, matulog. Hindi ko rin naramdaman na dumaan na yung birthday ko. Kung sinu-sino na dumalaw sakin dito para kamustahin ako pero nakakulong lang ako sa kwarto, yung iba nagdadala pa pagkain para subuan ako pero sinusuka ko lang. Si mama iyak ng iyak tuwing naririnig akong umiiyak at nagkakaganito pero pinipilit kong magpakatatag dahil alam kong nasasaktan na siya.  
Sobrang hirap dahil napakalaki na ng naging parte mo sa buhay ko, tayo lang dalawa naging magcompanion sa lahat, kapag may problema ka ako kaagad nasasabihan mo at dinadaingan mo, ikaw rin nagturo sakin na maging matatag sa lahat ng hamon sa buhay. Napakasakit na kahit sa huling pagkakataon ni hindi ko manlang nasabi sayo kung gaano ka ka-importante sa akin. 
Gustong-gusto kita puntahan kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusuko sa pangungulit sa mga malalapit sayo sa buhay. Umaasa pa rin ako, hangga't may oras pa para makita ka, pero mahal pasensya na kung hindi kita mapuntahan ngayon, alam mo naman mga pwedeng mangyari at ayokong magkagulo pa dyan. Nirerespeto ko pamilya mo kagaya ng pagrespeto mo sa akin.  


Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita 
Mahal kita kahit sa tingin mo puro mali ka, mahal kita kahit alam kong may mga problema ka, mahal kita kahit maraming humuhusga at tumututol sa atin, mahal kita kahit lagi mong kinukumpara sarili mo sa iba, at mahal kita kahit alam kong hindi mo kaya ibigay lahat ng gusto ko. 
Salamat dahil pinaramdam mo sakin kung gaano ako kahalaga, salamat dahil sinuportahan mo ako sa lahat, salamat dahil kahit kailan di mo ako sinukuan at salamat dahil minahal mo ako ng totoo. Hintayin mo ako, magkikita rin tayo. Sa ngayon ako na muna ang magpapatuloy ng mga pangarap natin sa buhay, hindi ko alam kung paano ako uusad nang wala ka pero pipilitin kong bumangon, kakayanin ko, pipilitin kong magpakatatag at tanggapin lahat. 
Lagi kitang pinagdadasal na kung nasaan ka man ngayon sana okay ka na at masaya ka na. Lagi mo babantayan pamilya mo at mga kaibigan mo. 
ADVANCE HAPPY ONE YEAR AND FOUR MONTHS! Sana ngayon nasa tabi kita at nababasa mo to. I love you mahal ko, hintayin mo ako ah? Magkikita rin tayo 👫❤️💍 
(Eto yung favorite song mo, nung una nakalimutan ko pa title kaya napatagal ako sa paghanap. Lagi mo tong kinakanta sa karaoke at kinakanta sakin bago ako matulog) 

Activity :) Score na ako sa prof ko, naka-score pa ako sa puso mo <3 

Naalala ko nung valentines day wala kang pera non, sinundo mo lang ako. tapos lahat ng nakakasabay natin sa jeep may dalang bulaklak. Pagbaba natin sorry ka ng sorry kasi wala kang nabigay, ako naman natatawa kasi hindi naman malaking bagay sakin yon. Sabi ko sayo dinodown mo masyado sarili mo, okay lang yon magpakita ka lang sakin ng valentines okay na ako di naman ako sanay ng binibigyan ng bulaklak. Tapos yung mga araw na sumunod lagi mo na ako binibigyan ng bulaklak. Kahit walang okasyon sinusorpresa mo lagi ako ng bouquet 🙊❤️ 

 Whooo destiny! Bata palang may couple shirt na tayo! When jumper is life nga naman ❤️ 

Naalala mo to? Nag "sneak-out" tayo! Wala akong kasama sa bahay kaya inaya kita lumabas. Gusto ko ma-experience lumabas ng hating gabi, tumakas, maglakad, tapos kumain kung saan-saan kasama ka 😌 Doon pa sa rooftop nyo last stop natin, inabot tayo ng alas tres kasi kung ano-ano pinagusapan natin pati mga buhay ng kapitbahay nyo nakwento mo sakin. 

Eto yung birthday mo tapos prelims pa namin. Sobrang hektik ng schedule ko tapos puro overtime pa klase namin, pinilit mo pa ako pumunta tapos ipinaalam mo pa ako sa pamilya ko pati sa mga kaibigan ko kaya isinantabi ko muna pagrereview makapunta lang sa birthday mo. Ineexpect ko na pag pumunta ako sa bahay nyo sobrang dami mong bisita, at baka ma-OP lang ako. Pero hindi, nahihiya ako kasi puro sakin ka lang nakadikit at pag tinatawag ka ng mga tito mo saglit mo lang sila pinupuntahan tapos balik entertain ka na sakin. Kinausap pa kita non kung masaya ka ba, tumango ka lang, tapos tinanong ulit kita kung masaya ka, sabi mo hindi mo alam. Siguro may mga inasahan kang dadating pero hindi dumating :( May video ka pa sakin na nagblow ka ng cake mo kaso nawawala na pero ayan napicturan pa naman kitang nagwi-wish ☺️ 
Mahal eto na yung last na video call natin :) Pag umaabot tayo ng 2-3 weeks na di nagkikita inaaya mo ako mag-vc. Alam mo ba kung bakit ko to sinama? Napansin kasi ng mga kaibigan ko na nakangiti ka dito. Kinilabutan pa nga daw sila kaya sinabi agad sakin. Hindi ako makapaniwala pero nung pinagmasdan ko oo nga nakangiti ka dito 😌 Salamat mahal, salamat dahil pinaramdam mo saking okay ka na para di na ako malungkot ❤️ — with Renz Candinato Devega.

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]