Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

'Para akong bold actor sa tingin nila' Aljur Abrenica Transferred To ABS-CBN And Now A Certified Kapamilya!

Ang dating kinakikiligan ng mga tao sa Kapuso network na si Aljur Abrenica ay lumipat na sa ABS-CBN.

July 31, opisyal nang sinalubong ni Aljur ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes (Chief Operating Officer, Laurenti Dyogi (Business Unit Head), Deo Endrinal Dreamscape Production Head).

Sa kaniyang Instagram account, pinost niya ang kanyang litrato kasama ang mga matataas na opisyal ng ABS-CBN na sila Cory Vidanes, Deo Endrinal, and Laurenti dyogi.




Malaking pasasalamat ng aktor sa malaking pagtanggap ng istasyon sa kanya at sabi niya sa caption, "Speechless and honored.. Thank you for the opportunity and the warm welcome Tita Cory, Sir Deo and Direk Lauren.. <3 #Kapamilya"

Maraming netizens sa social media ang nagulat lalo na ang mga fans nito dahil sa biglaang anunsiyo niya nang paglipat niya sa kabilang istasyon. Maraming din namang natuwa at sinusuportahan pa din ang aktor.

Sabi ng isang netizen tungkol sa paglipat ng aktor, "Congratulations idol your Kapamilya na you have talent as an artist you’re my favorite singer in the Philippines, and hopefully we can watch you at asap."

Ayon kay Eric John Salut, magkakaroon na ng show si Aljur sa Kapamilya network at nailatag na rin daw ang iba pang programa para sa dating Kapuso aktor.

Nakaraang marso laman nag-expire ang kontrata ni Aljur sa GMA Network, kung saan siya nadiskubre nang hirangin siya bilang Ultimate Hunk sa ikaapat na season ng Starstruck noong 2006.

Nakaraang marso din, may isang article na lumabas tungkol sa aktor at namataan ito sa ABS-CBN, kaya mabilis itong pinag-usapan ng marami at baka lilipat ito sa istasyon na ito.

Sabi ng aktor, hindi na siya naakaka-tanggap ng mga offers galing sa ibang network, pero sabi ng 27-year-old aktor pursigido siyang gawin ang mga bagay na hindi plano ng GMA network para sa kaniya.



"My career is no longer aligned with their plans for me and the plans I envision for myself,” sabi ng aktor.

Sa isang report galing sa News tabloid Bandera, dinetalye nila ang sa loobin ng aktor sa network.

"Meron kasi akong timeline para sa aking career. I note down the things na gusto kong gawin – movies, TV shows, recording, concerts. Lahat iyan ay nakaayos sa listahan ko kaya lang iba naman ang nasa isipan nila. They want to package me otherwise."

“Like yung title ng album ko, gusto nila yung bastos na title na ni sa panaginip ay hindi ko ma-imagine. Para akong bold actor sa tingin nila. Saan ka nakakita ng manager na ang gustong title ng album ko ay ‘Nota’?"

So what can you say about this article?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

source: pep,ph - philnews

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]