10 Larawan Ng Mga Sikat na 90's Loveteam na Kinakikiligan ng Lahat
Hindi mawawala sa mga palabas noon ang mga sikat na loveteams na ating kinagigiliwan. Marami ang sumubaybay at kinilig sa tambalan nila at marami rin ang nalungkot nang sila'y maghiwahiwalay.
Balikan natin ang mga ilan sa kinikikiligan nating loveteams noon '90s:
1. Bobbie Andrews and Angelu De Leon
Ang dalawang ito ang pinakasikat na Loveteam noon sa isang Teen-oriented show na 'TGIS' bilang Wacks at Peachy. Marami ang kinilig sa tambalan ng dalawa sa mga Big hit On screen Movies.
2. Dingdong Dantes and Antoinette Taus
Isa ring 'TGIS' star ang dalawang ito noon at nagkaroo ng pelikula na 'Honey, my love, so sweet' na pumatok sa mga kabataan noong 1900's. Ngayon, si Antoinette Taus ay umuwi na ng Pilipinas kasama ang kanyang kapatid. At si Dingdong naman ay happily married na sa kanyang asawa na si Marian Rivera.
3. Chubi Del Rosario and Anne Curtis
Ang dalawag ito ay naging parte din ng 'TGIS' second batch na gumanap bilang Reyster at Emily. Subalit umalis si Chubi sa Showbiz industry at ito na ngayon ay nagttrabaho bilang isang events host habang si Anne Curtis naman ay isa na sa most successful celebrities sa Showbiz.
4. Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz
Napakarami ng palabas ng dalawang ito noong '90s, Kaya naman kilang kilalang ang kanilang napaka sweet na tambalan noon. Ngayon, si Romnick ay ikinasal na sa asawang si Harlene Bautista habang si Sheryl naman ay patuloy ang kanyang mga kapuso programs.
5. Janno Gibbs and Manilyn Reynes
Patok na patok sa kabataan ang tambalan ng dalawang ito noon dahil na rin sa pagiging isang komedyante ni Janno Gibbs. Nagpatuloy parin ang dalawa na gumawa ng mga kanta kahit sila ay may sariling buhay na.
6. Wowie de Guzman and Judy Ann Santos
Isa sa mga pinakapaboritong loveteam sina Wowie at Judy Ann noon dahil na rin sa chemistry ng dalawa.
7. John Prats and Heart Evangelista
Nagsimula ang dalawa bilang loveteam sa isang youth-oriented show na naging patok sa mga manonood noon. SI John Prats ay nagpatuloy sa showbiz ngayon habang si Heart naman ay ikinasal na kay Chiz Escudero.
8. Marvin Agustin and Jolina Magdangal
Hindi mawawala sa listahan ng 90's loveteam sina Marvin at Jolina dahil sila ang tambalan na nakakakilig at nakakatuwang panoorin. Kahit sila ay hindi na loveteam ngayon, mayroon parin silang on screen chemistry ngayon.
9. Aga Muhlach and Lea Salonga
Nag viral ang post ni Aga Muhlach nang sinabi nito na si Lea ang kanyang 'TOTGA' o the one that got away. Ang pelikula nilang 'Sana Maulit Muli' ay maraming pinakilig at pinaiyak dahil sa bittersweet story nito. Naging matalik na magkaibigan parin ang dalawa hanggang ngayon.
10. Rico Yan and Claudine Barretto
Ang pinaka aabangan ng lahat sa lahat ng pelikula at teleserye ay ang tambalan noon nina Rico Yan at Claudine. Subalit nalungkot ang lahat ng pumanaw ang actor na si Rico Yan na nagbigay ng napakalaking impact sa buhay ng mga tao noon.