Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Isang Galit Na Galit Na Lalaki, Binabaan Ang Jeepney Driver At Ito Ang Ginawa - PH TRENDING

Nakunan ng video ang isang galit na galit na lalaki na nanapak umano ng isang jeepney driver sa D. Tuazon Quezon City.

Ang video ng naturang pangyayari ay ibinahagi sa Faceook ng isang netizen na may pangalang Cristine Joy Cortez.

Ayon sa post ni Cristine joy, pauwi na siya at sumakay siya ng pampasaherong jeep. Habang sila ay nasa gitna ng trapiko, may isang sasakyan ang nakikipag gitgitan sa sinasakyan niyang pampasaherong jeep.

Dagdag pa ni Cristine joy, nasa tamang linya ang nasabing driver ng jeep at bigla na lang nagalit ang driver na umano'y nang gi-gitgit.

Makikita sa video, pinapaabante ng lalaki ang tsuper para makaharap ito. Ngunit hindi lumaban ang tsuper sa lalaki at nanatiling tahimik.

Sa pangalwang video, ayon kay Cristine joy, hinabol sila ng naturang lalaki na nanghahamon ng away sa tsuper. Dito na sinuntok ng ilang beses ng lalaki ang tsuper.

Maraming netizens ang kumampi sa driver ng jeep dahil sinaktan ito ng lalaki kahit hindi naman ito lumalaban. Pinagmamalaki pa umano ng lalaki na taga roon siya sa lugar na iyon.

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng road rage sa kalsada ng Kamaynilaan, mariing ipinapayo ng mga awtoridad na magbaon ng pasensiya at huwag pairalin ang katapangan at init ng ulo kapag nagmamaneho.

PANOORIN ANG VIDEO SA BABA:

Pauwi na kami ngayon ngayon lang then natraffic kami bandang D.Tuazon kasi labasan ng mga studyante tapos may isang sasakyan(i think adventure) nakikipag gigitgitan eh alam nyang traffic yung driver ng jeep nasa tamang linya tapos biglang nagalit yung driver binabaan nya yung jeepney drive panoorin nyo nalang po yang unang video bilang sakay ng jeep wala pong kasalanan yung driver ng jeep kasi nasa tamang line naman sya nun.


Etong second video naman naka abante na po kami nyan then nung nasa tapat na po kami ng school humabol po yung lalaki tapos sa kabilang line nalang sya dumaan para mahabol nya tong sinasakyan namin na jeep so nagulat po kami sa ginawa nya. Hustisya naman porket mayaman ka ganyan mo nalang tratuhin ang isang jeepney driver.



So what can you say about this video ?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]