Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

"Blackening Shampoo Teh, Kyah" Nagbigay Ang Babae Na Ito Kung Paano Makamit Ang TOTOONG KILAY IS LIFE. Alamin Niyo Po.


"Blackening Shampoo Teh, Kyah" Nagbigay Ang Babae Na Ito Kung Paano Makamit Ang TOTOONG KILAY IS LIFE. Alamin Niyo Po.

Isa na namang DIY ang kumakalat sa social media matapos ang isang pampagoodvibes na DIY na nagviral nitong nakaraan lang. Nagbigay ang babae na ito ng step by step kung paano makamit ang talagang KILAY IS LIFE para sa mga may maninipis na kilay heto ang kanyang ginawa basahin niyo po.

WHEN KILAY IS LIFE! 

So yun nga dahil wala akong magawang matino bukod sa pagkikilay eh, Dinala ko sya sa next level! Credit don kay ateng na nagbigay idea sakin neto. Nakita ko lang sa newsfeed kahapon. Thankyouuuu! :* 

Blackening shampoo lang (Worth 11petot. Sobrang worth it na) toothpick at yung pang brush ng kilay (di ko alam tawag don Haha) at sempre ang iyong talent sa pagkikilay lang puhunan. Oh pak na pak ka na. Kahit sa tindahan lang meron neto. Just say "blackening shampoo teh, kyah"

TIPS! 
1. Dapat malapot yung blackening shampoo dahil may tendency na tumulo pag malabnaw.

2. Ihulma mo yung tip ng kilay mo using toothpick. Para kilay on fleek. Spread mo lang sa gitna para nafifill yung gitna ng kilay.

3. Sa bungad mo gagamitin yung brush para medyo natural look at hindi makapal. Wag mo na isawsaw yung toothpick pag nasa bungad ng kilay ka na. Yung pinag spread-an na lang at saka mo ibrush pataas from bottom. 

4. Brush ng bahagya yung gitna para sumabay din sa natural mong kilay kung meron man. Haha 

5. Dont worry na sobrang itim ng kilay mo. magiging light din yan pag binanlawan.
KILAY AT YOUR OWN RISK! Di naman ako allergic sa kahit ano pa yan bukod sa hipon kagaya ng ex mo kaya wala akong naging problema sa balat. (Try nyo po muna sa braso nyo. Pag walang kineme reactions gora na. During babad naman pag mahapdi na banlaw na teh kahit saglit lang ibabad yan kukulay pa din yan like mga 15mins ganon.) Natutuwa lang naman ako sa result kaya gusto ko lang ishare. Kung di ka marunong magdrawing ng kilay nako teh wag mo na to gawin kung ayaw mong maburo sa bahay nyo ng ilang araw. 
ALIEN LOOK NO MORE. HAHAHAHAHAHAHAHA di ka na mangangamba pag nag outing kayo! Lalaban yan kahit sa dagat o sa pool HAHAHAHAHA

Hello nga pala sa mga tropa kong nilalait lait kilay ko lalo na sa mga tropang baog. Matapang na sya ngayon! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.


Yun nga, nilagyan ko lang tubig ng konti saka di ko nilahat. Sempre para pag nabura na yung fake kong kilay may pandrawing ulit Hahaha


Di na kailangan isawsaw yung brush. Wag na wag teh kung ayaw mong masira buhay mo.


Ganyan talaga kilay ko mumshi. I kennat. I hate you. HAHAHAHA



Ayan na talent ko. Dyan ako magaling Hahaaha toothpick lang yan. Saka brush brush. Ingat lang kase kala ko mabubulag na ko nung napunta sa mata ko yung natuyong blackening shampoo sa kilay ko. Haha pero buti hindi naman lol.


Feeling ko kinacute ko to. Patawad na agad.


30mins kang parang may linta sa kilay. 30mins ko lang binabad. Ewan ko ano mangyayari pag isang araw mo yan binabad. Baka di na maalis sayo habang buhay. Ganorn Hahahah


Oh pak. Ayan na sya. After 30mins. Fresh from hilamos pa yan


Yung kala mo kung sinong maganda tas ikaw lang pala. HAHAHAAHA oh ano lalaban kana. Di ka na aapihin ng mga mapang aping lipunan. Liptint lang kavouge kana.


vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]