'Ako Yung G*g*ng May Goals Kaya Tawagin Mo Tong G*G*ALS' Yan Ang Mga Salitang Binitiwan Ng Isang Lalaki Na Talaga Namang Maraming Naka-relate
Ang lalaking ito ipinaliwanag ang kanyang pananaw tungkol sa grado ng isang estudyante. Ayon sa kanya ayos lang daw na maka-"TRES" dahil hindi naman sa grado naka-base ang utak ng isang tao dahil ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang skills o kakayahan at walang taong walang laman ang utak meron lang "TAMAD". Pero hindi habang buhay tatamarin yan, magbabago at magbabago din daw yan. Buti pa raw na maging tres lang ang grado kaysa mataas nga ang grado mo e kung puro sip-sip ka lang naman sa guro at may tinatapakan na tao, wala din. Basahin po natin ang buo niyang pahayag.
TANGINA PRE INUMAN NAAAAAA <3
tawagin mo akong POGI dahil meron akong Presence Of Gago Inside, pero ako yung gagong may goals kaya tawagin mo tong GAGOALS ❤
ang pag aaral ine-enjoy lang yan. ako yung tipo ng estudyante na kahit "Tres" lang makapasa lang hindi ko kailangan kumayod magkaroon lang ng mataas na marka. dahil hindi naman nasusukat sa grado ang utak ng isang tao, nagkaron ka nga ng mataas na marka pero may natatapakan ka naman na tao wala ring kwenta,
Tandaan mo, wala kang karapatang mang-apak ng ibang tao lalo na kung yung Tsinelas mo bigay lang ni Korina.
walang bobong estudyante "TAMAD" meron, may kanya kanya tayong Skill na iba sa karamihan, hindi habang buhay tatamarin yan, magbabago at magbabago yan, yung kilala mong estudyante na puro bulakbol at katarantaduhan lang ang alam magbabago at magbabago yan. walang makakapagsabi kung makakapagtapos ba o hindi.
aanhin mo ang mataas na marka, eh kung puro ka naman pabida at sipsip sa guro mo.
mataas nga marka mo pero sandamakmak naman na tao ang may ayaw sayo,
wala ding kwenta.
hindi lang dapat puro utak at diskarte, pairalin mo dapat ang PAKIKISAMA at marunong makibagay.
hindi puro pabibo at kayabangan, baka isang araw bumagsak ka nalang at wala ng masandalan,
hindi man ako estudyanteng bumabasag ng katahimikan sa pamamagitan ng utak ako naman ung estudyanteng bumabasag ng katahimihan sa papagitan ng kalokohan hihihi
hindi ako ANGAT, hindi rin ako SIKAT at mas lalong hindi ako ALAMAT sadyang marunong lang akong MAKISAMA kaya nakilala ng LAHAT.
Bachelor of Science in Astronaut, Major in Piloto ng Gundam
00820131489 | 10000131435
marameng salamas sa masasayang ala-ala sa pag-aaral pakyu. with harthart. Opinion ko lang yan ahahahaha pero syempre may mga estudyante kaseng skolar na pinahalagahan at iniingatan grado nila <3
Pero ito po ang tatandaan ninyo. Mas maganda pa rin na mataas ang grado mo at walang tinatapakan na tao. Ang pag-aaral ay isang proseso kung saan hinuhulma ang iyong pag-katao. Huwag niyo po sana masamain ang kanyang pananaw dahil lahat po tayo ay may kanya-kanyang pananaw.
Ano po ang tingin niyo sa pananaw niya? Maari niyo pong ibahagi samin ang inyong opinyon ukol dito sa pamamagitan ng pag kumento sa comment section na matatagpuan sa ibaba. Maari niyo rin pong i-share ang artikulong ito para magbigay aral sa mga kabataan. Maraming salamat po sa inyong pag-bisita sa aming website.