Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

"Friend Request To Forever" Canadian Woman Travels To The Philippines To Meet Her Pinoy Boyfriend - PH TRENDING

60% ng tao sa buong mundo ang gumagamit ng social media. Kahit pa na saang lupalop ng lugar ang isang tao, pwede mo itong makilala gamit ang social media. Kaya ang iba ay nauuwi sa long distance ang relasyon at umaasang balang araw ay makakasama ang kani-kanilang "ka-LDR". Pero ngayon, isang pinoy at canadian ang pinatunayan na kahit gaano pa kalayo ang distansya ang pumapagitan sa kanilang dalawa, walang makakapigil sa kanilang pag-iibigan.

Viral ngayon sa social media ang videong ito kung saan ibinahagi ng Facebook page na may pangalan na "BF/GF" ang love story ng isang Canadian woman at isang pinoy na nagkatuluyan ng dahil sa social media.


Ayon sa video, ang kanilang relasyon ay nagsimula lamang sa simpleng friend request sa facebook noong 2009.

Matapos ang dalawang taon na magkarelasyon sa sa Facebook, sa wakas ang dalawa ay nagkita na. Lumipad mula Canada ang babae papunta sa pilipinas (General Santos City International Airport) para lang makita ang kaniyang boyfriend.


Makikita sa video, sinusulit ng dalawa ang oras nila na magkasama.

Pero sa kasamaang palad, ang masasayang oras ng dalawa ay naputol dahil ang babae ay kailangan ng bumalik sa Canada at balik nanaman sila sa long distance relationship.




Pero matapos ang paghihintay ng isang taon at kalahati, ang magkarelasyon ay muling nagkita at ngayon ay sa NAIA terminal na.





Matapos ang matagal na pagsasama, noong 2013 ng agosto, napagdesisyonan na ng dalawa na matali sa isa't-isa.



Isang malaking inspirasyon sa lahat ang dalawang ito. Pinatunayan nila sa lahat na hindi lahat "Long Distance Relationship" ay nauuwi sa wala.

So what can you say about this wonderful love story?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

source: facebook

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]