'NAGKURIPOT-NAGKAPE-NAKAIPON' Netizen Shared A Different Strategy In Saving Money.
'NAGKURIPOT-NAGKAPE-NAKAIPON' Netizen Shared A Different Strategy In Saving Money.
Read post below:
"Bote"
Share ko lang po itong experience ko sa pag-iipon. Sa totoo lang December 2016 ko pa ito gustong i-share kaso nahihiya ako. Hehe 😀
Madalas ka bang bumili sa 711 or Mini Stop ng inumin? Pareho tayo. Haha. Minsan tinatago ko yung mga bote pagkakaubos. Ginagawa kong lagayan ng tubig pero madalas tinatapon ko. Aanhin ko naman kasi diba, pantambak lang. Pero alam nyo salamat sa mga boteng ito, malaki pala ang silbi niya. Magastos kasi ako. Sa totoo lang, gusto ko lagi bumibili ng kung ano-ano. Haha! Accidentally, napansin kong marami akong barya sa bulsa. (Ang bigat ba naman). Wala akong paglagyan ng mga barya na sinukli sakin sa jeep kaya naisip kong ilagay ko sa bote na nasa locker ko. Ayun Naging habit ko na yung paglalagay sa bote ng barya araw-araw pagkakauwi. Hanggang sa nakarami na ako ng bote na puro barya, (umabot ng 7 na bottles. Di na ako nakuntento don, nilagyan ko na rin ng papel na pera kapag my sumo-sobra sa bulsa ko na 20, 50, 100, minsan 500 (kung nabaryahan na yung 1k). Nakaka-enganyo kasi na makita na marami ka ng naiipon ng di mo namamalayan. Naka 30+ ata ako na bote. Dami! 😁😂 Araw-araw ginagawa ko sya, naging "HABIT" ko na kasi! Kapag sahod na, lahat ng over time pay ko sa work diretso na sa bote. 10% ng sahod ko binibigay ko kay Lord (una to sa lahat yung tithes, para kay God. Malachi 3:10. Read mo para mas lalo ka ma-encourage ). 30% din nung sahod ko diretso na sa bote. Ibigsabihin, 60% na lang ang sa akin. (Pamasahe, foods, kuryente,tubig,dorm ay pagkakasyahin ko) Praise God, nagkakasya! Kapag nga gusto kong mag starbucks, iniisip ko lilipas din yan kaya bibili ako ng NESCAFE 3 in 1 o KOPIKO BROWN. Haha! Yung favorite kong Dark Mocha imaginin mo yun yon! Haha, kukuha ako sa wallet ko ng 185 tapos 10 pesos dun ibibili ko ng kape sa tindahan, may matitirang 175 diretso bote na. NAGKURIPOT-NAGKAPE-NAKAIPON. Satisfied naman eh. Solve na ako!Parang nakapag starbucks na rin. Ginagawa ko rin yun sa iba pa. (Restaurant, Tryk na pede naman lakarin, atbp.) Binawasan ko na luho ko. Ayun.. the rest is history na . 😁😁Sa loob ng 8 months, nakaipon ako ng 54,653 Isang paper bag (nilipat ko na mula sa bote) kasama na yung mga barya. Ipinasok ko na agad kalahati nito sa bangko kasama lahat ng mga barya para mas makatulong sa gobyerno. Okay? haha. Kalahati naman nasa business para palaguin pa.
Hindi rin po malaki sahod ko (Alam to ng mga malapit sa akin, even may officemates haha) Tamang tipid lang pala ang kailangan at tapat na pag bibigay para kay God, yun ang solusyon, di ka Niya pagkukulangin. 😊
-Payong kaibigan, pag nakaipon ka na, wag mo gamitin sa walang kwentang mga bagay, gamitin mo sa tama para mas dumoble pa yung naipon mo. #invest #business #tithes 😃
Sa totoo lang, I realized na hindi pala mahirap mag-ipon. Mind set lang. Gawin mong lang na habit, isama mo lang sa araw-araw mo na ginagawa, magagawa mo rin! 😀😀
Eto tanong.
Anong HABIT AT MIND SET MO ngayon? Tara mag ipon.
Wala naman po mawawala kung susubukan natin diba? God bless.😀
Salamat sa mga nag inspire lalo sa akin na mag ipon.
#ardirobertoPeranahindibitin #700clubasiafinancialsegments #pesosense #chinkeetan #bosanchez #JasonLo #VicandAvelynGarcia
Bote Challenge na to. 😀😀😀
Check out his savings:
Source: facebook