Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Charice Pempengco o mas kilala ngayon na Jake Zryus may mensahe sa kanyang Lola na di umano ay galit sa kanya sa pagpapalit ng kanyang pangalan.


Charice Pempengco o mas kilala ngayon na Jake Zryus may mensahe sa kanyang Lola na di umano ay galit sa kanya sa pagpapalit ng kanyang pangalan.

Naging usap usapan ang pagpapalit ng pangalan ni Charice Pempengco marami ang nagulat sa kanyang desisyon at isa na dun ang kanyang lola. Malaking pagtutol ang ipinost ni Tess Relucio, lola ni Charice sa kanyang facebook account.


“Sino ba si Charice Pempengco? Apo ko! ‘Yung Jake Zyrus hindi ko apo 'yan, hindi ko kilala 'yan,” ani Relucio.

Kuwento pa niya, nanahimik siya noon sa pag-amin ng apo na lesbian siya pero ibang usapan na umano ang pagpalit ng pangalan.

“Noong namatay ang Daddy mo, pinipilit niyong palitan ang 'Pempengco'. Hindi ka nanalo. Nangunsinte ako sa ’yo noon, Charice. Pero ito ngayon, kahit ikamatay ko, anak, hindi ko kukunsintihin na maging Jake Zyrus ka,” mensahe ni Relucio sa kanyang apo.

Dagdag pa niya, 

"Pinanganak kang Charice Pempengco, mamamatay kang Charice Pempengco! Kapag nilagay sa ataul iyan, hindi Jake Zyrus ang ilalagay, Charice Pempengco pa rin."
Hindi naman sang-ayon ang kanyang lola na para ito sa kasiyahan ng kanyang apo.

Pagkatapos makarating ito kay Charice na mas kilala na bilang Jake ZrYus ito na lamang ang kanyang naging mensahe.

"Lagi ko lang naman din pong sasabihin na mahal ko sila kahit na iba-ibang news man 'yung makita nila, kahit na ano mang sabihin nila, ng lola ko, at the end of the day, we're still family. I love them. I love you, guys," ani Jake Zyrus 

Naiintindihan din ni Jake kung bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang lola. Basta mahal niya ang kanyang pamilya. Naniniwala rin si Jake na balang araw mapagtatanto rin ng kanyang lola na dito siya masaya. 

"I know that someday, no matter what, makikita rin ng lola ko yung happiness na nararamdaman ko."
Base rin kay Jake Zryus unti unti na niyang binabago ang  kanyang sarili physical, plano na niyang ipatabas ang kanyang dibdib at nagpapa-inject na rin siya ng male hormones .



Ipinalabas ang interview na ito sa Tonight Boy Abunda: [source]

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]