Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

"Bago Mo Siya Ihiga Sa Kama Siguraduhin Mong Kaya Mong Tanggalin Yung Letrang K Sa Salitang Kama" Isang Bagong Ama May Mensahe Sa Mga Kalalakihan - PH TRENDING

Sa panahon ngayon, maraming kababaihan ang nabubuntis ng maaga ng hindi inaasahan. Pero karamihan ng nabubuntis na kababaihan, hindi pinapanagutan ng kanilang kapareha dahil ang iba ay hindi pa handa sa responsibilidad at ang iba naman ay wala pang sapat na kakayahan para bumuhay. May mga iba din naman na ang habol lang sa kababaihan ay ang pakikipagtalik.

Isang ama ang may mensahe sa mga kalalakihan sa Social Media. Ipinaliwanag niya sa lahat na bago gawin ang mga bagay na ginagawa magkapareha, kailangan muna ay handa ka at kailangang harapin ang mga responsibilidad na dapat ay hindi tinatakasan.

Basahin ang mensahe sa baba:

Bro, bago mo siya ihiga sa kama siguraduhin mong kaya mong tanggalin yung letrang K sa salitang KAMA. In short, siguraduhin mong ready ka ng matawag o maging isang AMA. Bago kayo mag try ng iba't-ibang posisyon siguraduhin mong kaya mo ding magapply ng trabaho sa kahit anong posisyon. Bago mo iputok sa loob, siguraduhin mo ding may lakas ka ng loob. Para saan? Para ipagtapat sa inyong mga magulang. Sana kung gaano ka kabilis maghubad, ganun ka din kabilis humarap sa responsibilidad. Sana kapag sinabihan mo siya habang nagtatalik kayo na "Mahal kita promise" Sana ganun ka din hanggang sa siya'y mabuntis. Bago mo siya bilugin sa salitang "Hindi kita iiwan" Sana meron kang paninindigan hanggang sa bumilog ang kanyang tiyan. Sana kapag nagbunga na, wag kang magpapaapekto sa bunganga ng iba. Sana kapag pinasok mo kaya mo ding labasan. (Double meaning yan. Tanungin mo ako kung hindi mo naintindihan) Wag mo sanang gawing fun run na pagkatapos mong mag have fun tsaka mo tatakbuhan. Kung gaano sana karami yung sperm cell mo sana ganun kadaming beses mo din inisip kung desidido ka na ba. Kung puro tira ka lang naman, sana may natitira ka pang hiya at konsensya. Wag mong kakalimutan na kapag magulang ka na pati sarili mo makakalimutan mo na. Ano kaya mo ba? Kung hindi mo kayang gawin lahat yan, tumigil ka na diyan! Kung hindi mo kayang panindigan ang kalalabasan bumangon ka na diyan!
Hindi lahat puro sarap. Kailangan mo din maghirap. Tignan mo habang naghihirap ka masarap pa din kasi may pamilya kang nandyan para sayo. ❤




So what can you say about his message to boys out there?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

source: facebook

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]