Alamin Ang Bagong Style Ng Budol Budol Na Bumiktima Ng Isang Estudyante.
Alamin Ang Bagong Style Ng Budol Budol Na Bumiktima Ng Isang Estudyante.
Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon. Yan ang payo ni Lance Ronald Didal sa isang matandang babaeng ipinagkatiwala sa kanya ang perang dala.
Pero ang hindi alam ni Didal, siya pala ang dapat sabihan ng matanda nung mga panahong iyon.
Nabiktima si Didal ng Budol Budol Gang sa Las Piñas kamakailan lamang.
Ayon kay Didal, may lumapit na matandang babae at nagtatanong kung saan mayroong arkilahan ng truck. Maya maya pa ay hinaplos haplos ang balikat ni Didal at parang nahipnotismo siya ng matanda.
May dumaang isang lalake na kasabwat ng matanda at nagkunwaring hindi magkakilala at tinanong din ng matanda ang lalake. Umalis saglit ang lalake at binalikan sila makalipas ang sampung minuto.
Makalipas ang pag-uusap ng dalawa, inabot ng matanda ang malaking halaga ng pera kay Didal at kinuha ang kanyang cellphone kapalit ng perang pinahawak sa kanya.
Naghintay ng mahigit isang oras si Didal pero hindi na siya binalikan ng dalawa na aarkila lamang daw ng sasakyan.
Binuklat ni Didal ang perang pinahawak sa kanya at laking gulat nya nang malamang puro dyaryo lamang ang hawak nya.
Basahin ang kanyang kwento:
Share ko lang nangyari sakin ngayon😭💔
So yun na nga uwian namin nun 5:00PM pinauwi na kami ni momshie sinabihan pa kami ng ingat.❤ Sabi ko sa sarili ko"Maaga pa naman ikot ikot muna ako sa SM Center" So yun ikot ako. Umuwi na ako so yun sumakay ako sa Jeep nun bale malapit na ako sa casimiro nun so bumaba na ako agad... Naglalakad na ako pa casimiro na ako nun maya maya may lumapit saakin na matandang babae (Diko alam name) so yun hinawak hawakan ako ng babae parang may ginagawa sabay nagtanong.
Ale: Boy boy! Saan ba dito yung arkilahan ng mga truck? (Medyo kinakabahan na ewan)
Ako: Ano pong arkilahan po? Dipo kasi ako taga dito😅
Ale: ah ganun? Salamat bigyan nalang kita 500 salamat sa tulong. (Habang hinihipo hipo pa nya balikat ko parang nag hihipnotyze ba?)
Ako: ay huwag na po.
Ale: ay teka teka tanong tayo dito kay kuya
(Yung kuya na sinasabi nya is kasabwat pero wala akong kaalam alam...)
Ako: kuya saan po ba dito yung may arkilahan ng truck?
Kuya: ay dito yun teka lang ah (sabay alis)
(Naghintay kami ni ale ng 10minutes)
(Yan na nakabalik na si kuya)
Kuya: ganto yung truck nun. (Sabay hipo hipo sa balikat ko na parang nawawala na ako sa sarili ko)
Ako: (inexplain ko kay ale yung gagawin)
Bale yung pera na nakay ale is 12K binigay sakin yun sabay tinulak ako sa jeep papuntang perps para maghintay sa kanila inagaw Cellphone ko bigla para pagkatiwalaan or what... 1hour 30minutes naghintay ako wala parin 7:30 na magagalit nanaman si mama sakin nito💔😭 Binuksan ko yung pera na may laman daw na 12K pagtingin ko 100 pesos na may mga dyaryo lang na tupi tupi para magmukhang makapal. Yun nung nakita ko yun napaiyak at napaluhod ako sa Daan nun💔😭😭😭😭😭😭😭😭😭 sarap pa nh kwento ko kay ate na mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon tapos ako pa tong naloko at nabudol budol gang😭😭😭😭😭💔💔
Lesson Learn/ed: Huwag agad maniniwala baka maloko at mabudol budol ka.💔😭
Huwag papahawak agad agad baka mahypnotize ka!💔😣
SI LORD NA PO BAHALA SA MGA GANUNG TAO!!!!😚
#BudolBudolGang
#RIPCellphone
#10MonthswithSamsungJ12016
YAN PO YUNG NAKUHA KO SA NAGMODUS SAKIN.. 😢 yung akala mong makapal yung laman 100 pesos lang at makapal na dyaryo😞 Ingat Always Guys😔😪