Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Isang Uber driver inulan ng papuri sa social media dahil sa kanyang kabutihan.



Nang marinig ni Andrew Lebardo na ang kanyang pasahero sa Uber, si Sarah Cuvin, ay nangangailangan ng donor ng dugo, hindi siya nag-isip ng dalawang beses upang higit pa sa kanyang tungkulin at nagboluntaryo na magbigay ng 450 cc ng dugo.

Mabilis nagviral sa social media ang post, ibinabahagi ni Sarah Cuvin kung paano sinagot ang panalangin nila ni Lebardo sa kanyang pamilya nang magboluntaryo siyang mag-donate ng dugo upang palitan ang naisalin ng kanyang kamag-anak mula sa operasyon ng ospital.


Basahin ang buong post: 

KUYA UBEEEEEER! 

Medyo nashookt kami ng family namin today. Tumawag si Joseph kanina, asking us to find blood donors for our sister-in-law, Irish, who just gave birth to Baby Zac yesterday via C-Section. 😭 Kaso, due to complications, kinailangan niyang salinan ng dugo and we needed replacements for the blood we used from the hospital. 💔

So, we booked an Uber to the hospital and here comes Kuya Andrew. Sooooobrang accommodating and polite niya sa family ko. ❤ What's more, nung narinig niya na kailangan namin ng blood donors, no questions asked, PAK! Volunteer si Kuya Andrew and all he wanted in exchange was his payment for the Uber ride! 😨😭 

OMG. Isa ka pong hulog ng langit! 😇 Salamat po kasi hindi po kayo nag-atubiling tumulong sa pamilya namin kahit hindi po namin kayo kakilala. 😭 Sana pagpalain po kayo ng Panginoon!🙏 

Please help me spread the word on this awesome guy nang malaman niya kung gaano kami ka-thankful for his immense help. ❤ #ThisIsWhyWeUber #KayoRinPo 








Source: Sarah Tatad Cuvin

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]