Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

"Gusto Ko May Bed Scene" Ruru Madrid Excited Na Maka-trabaho Ulit Ang Aktres na Si Solennn Heusaff - PH TRENDING

Jose Ezekiel Misa Madrid, o mas kilala sa pangalang Ruru Madrid ay nagsimula at sumikat sa isang reality show ng GMA Network na Protege: The Battle For The Big Artista Break Noong 2011.

Ngayon, ang Kapuso Teen star na si Ruru Madrid ay nag-iinsayo ng sobra dahil sa kaniyang gaganapan na role sa Alyas Robinhood book Two. Ayon sa 19-year-old aktor, siya ay nagpapakundisyon at naghahanda para sa mga gagawin niyang mga stunts sa bagong show.

Sa nakaraang interview sa Pep.ph ng aktor, sinabi nito na fan siya ng Hollywoord actor na si Stephen Amell, na aktor sa ibang bansa at ginaganapan ang palabas na ARROW.

"Gusto ko, ganun din. Iba pa rin yung feeling na ikaw gumagawa ng sarili mong stunts that's why inaral ko lahat."

Ibinahagi rin ng aktor na nagtra-training rin siya sa pagpa-parkour para sa kaniyang mga stunts sa isa sa ginaganapan niyang show sa GMA.

"Pagod, delikado, pero sobrang adventurous ako, e. Kaya naman!"

Sabi pa ng aktor,

Sobrang action talaga. Para sa akin, medyo magiging mahirap yung mga scenes ko dito kasi sinabi ko nga talaga na gusto ko, ako halos gagawa ng stunts, ayoko magpadouble. Never pa ako nagpadouble like sa Encantadia, hindi ako nagpadouble. "Pero this time kasi, feeling ko mas magiging mahirap to kasi maraming mga talon talon. Gusto ko kasi yun, e, yung ganun.So doon ako na-e-excite talaga kaya ngayon kailangan ko magpakundisyon talaga."







Sa huling interview ng aktor, sinabi nito na hindi pa siya sigurado kung siya ba ay handa na sa mga daring scenes para sa mga primetime series.

Pero sabi ng aktor siya ay ready na para ipakita ang katawan sa palabas na Alyas Robin Hood.

"Oo. Go! Ayoko rin naman magpromise, pero go.
Sa akin, para saan pa yung pinaghirapan ko, di ba?"

Bago matapos ang interview ng Kapuso Teen, pabirong tinanong ng PEP.ph kung may posibilidad ba a gawin niya ang daring scene sa sexy aktres.





mabilis nitong sinagot na, 

"Pag si solenn? Oo! Gusto ko may bed scene. 

Why not? e, di go! As long as payag siya! Si solenn ngay ang first kiss ko sa Tv e. First on screen kiss ko sa karelasyon. Grabe!"

So what can you say about this showbiz news ?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

source: pep.ph

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]