Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

'Tabachingching Butanding Aparador' She Slammed Those People Who Called Her Names By Transforming Herself


There are many ways to get fit you can go to the gym do diet and much more. But she didn't do anything special to get fit.

You can see in her photo's that she had lost a great amount of weight and her secret is eating a normal amount of food.

Yes you read it right you just have to eat a normal amount of food to achieve this and the key to this is discipline and her motivation is just eat the food you want with just the normal amount because eating less can get you nutrient deficiencies and eating more will give you some weight.

Let's read her full post.

Read:
"At first, hesitant ako kung gagawin ko ito pero dahil sa pagtatanong ng marami (kilala niyo na kung sino sino kayo), I decided na i-share to. Tabachingching. Butanding. Aparador. Balyena. Baboy. Nakakatawa! Mikee ang pangalan ko pero hindi lilipas ang araw ko noon na may tatawag sakin sa pangalan ko lang kasi laging may kadugtong ng 'Mikee Baboy' o 'Mikee Babs'. Noon, sinabihan ako ng teacher ko na wag akong papasok sa pintuan ng classroom ng may kasabay kasi kawawa lang at maiipit. "

      (Photo Credits To Mikee)

"Nung sumakay ako ng jeep niloko ako ng driver kasi kahit isa lang ako pangdalawang tao pinabayaran sakin kasi takaw space daw. Nung family christmas party namin sabi nung Tito ko reregaluhan niya daw ako ng maraming slimming pills para daw mangayayat naman daw ako. Kasali ako sa volleyball team pero pinagpulot lang ako ng bola para pumayat daw ako."

      (Photo Credits To Mikee)

"Gara ng mga tao no? Noon, wala akong pakialam sa kahit anong sabihin nila. Wala akong pakialam sa mga naririnig ko pero dumating sa point na pati mismong sarili ko hindi ko na kilala. Madalas ako magkasakit kasi hindi na tama ginagawa ko. May isang ganap na nangyare na muntik ko na ikamatay na nagparealize sakin ng lahat. Sa mga nagtatanong, hindi ako nag gym. Niyakap ko lang si SM Southmall para ikutin araw araw, haha. Food is life kahit anong mangyare. "

      (Photo Credits To Mikee)
"Hindi ako nagdadiet, kinakain ko din lahat ng gusto ko ng sapat lang, importante din na wag mo gugutumin sarili mo kasi payat ka nga pero mamamatay ka naman sa sobrang gutom e di sa morgue ang diretso mo, Day. Ang goal ko naman kasi e hindi talaga magpapayat kundi maging healthy lang. Ayoko din ng tinatawag akong payat o sexy kasi hindi naman talaga. Malaman ako. Siksik! Haha. Ang importante lang naman ay yung pagbabago laging magsisimula sa mga sarili natin at para sa ikabubuti natin. Hindi natin to gagawin para sa iba kasi at the end of the day, buhay natin ito kaya yung mga sasabihin nila hindi mahalaga." 
      (Photo Credits To Mikee)


                                            (Photo Credits To Mikee)

                      (Photo Credits To Mikee)

                                         (Photo Credits To Mikee)
"So ayun, wala naman talaga akong secret kaya wag na kayo magtanong. Char! Basta 'health is wealth' at 'food is life' kaya kain pa more basta keri mo! At ang pinakamahalaga, whatever shape you are in embrace and love yourself. 😘"
Remember these words "Health is wealth".

So what do you think about this article? Let us know your thoughts by simply commenting in the comment section located down below. Thank you for visiting our website.

Source: Facebook

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]