Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na may pangalang Shiara Estrada kung saan pinost niya kung paano siya pumara sa kaniyang sinakyan na pampasaherong jeep.
Ayon kay Shiara, pagkasakay niya ng pampasaherong jeep, nakita niya ang sign na ito sa likod ng jeepney driver at may nakalagay na "Sumigaw ng darna kapag bababa", kaya naman ginawa niya ito.
Umani agad ng libo-libong komento ang post na ito ni Shiara at maraming natuwa sa ginawa niyang ito.
Kinabahan talaga ako bago ko isigaw darna eh. ONLY IN DAGUPAN! kaloka ka manong driver!!! napasigaw tuloy ako para lang makababa(emoji laugh)

