'Dahil daw po ako ay baliw na sabi ng sarili kong magulang' She Is Being Called 'Baliw' But The True Story Behind Her Will Touch Your Heart
Going to your local fast food chain to grab something to eat is almost every one's daily routine. Just like Facebook user Nikkita who walked inside a famous fast food chain to get some food to eat then she saw this girl who is talking one of the staff saying that why is her bill so high when she has an ID, Nikkita wondered what is the connection between her bill and her ID?
Later on she found out her sad story that really touched Nikkita's heart. According to her the girl has a bullet inside of her head and she was surrendered to 'Bahay bata' because her parents told them that she is crazy. Let us read her full post.
Read:
Pinost ko to dahil gusto ko makatulong sakanya , sana po ay matulungan nyo akong ikalat ito. Maraming maraming salamat po :*
Kanina pagkatapos namin mag bayad ng bill ni ate Nerissa pumunta kaming SMRosario, then paikot ikot kame na para kaming lukaluka 😂 hanggang sa nagutom kame. Pumunta kami sa Mcdo doon sa loob ng SMRosario, tas pag lapit namin sa may counter, may isang babae na mataba. Nakikipag usap sya sa mga staff. Napapatingin ako na para bang nag mamakaawa yung boses nya sa pakikipag usap.. Tas yung kinakausap nya is nakikita kong naiinis na sakanya. Pero dinedma ko. Tas nasagi ako nung babaeng mataba. Sabi nya sakin
Mataba : ay ate ate. Sorry sorry.. Sorry talaga..
(yung bang boses nya e mahinhin na nag mamakaawa )
Ako : Okay lang. Okay lang.. :)
(Hindi ko masyado nakita yung mukha nya. Yung awra nya, mabilis ang pangyayari)
Then, bumalik sya sa pakikipag usap sa staff. Sabi nya "bakit ang laki ng bayad ko 64php e may id naman ako. (sa mahinhin napakikipag usap)
Nagulat ako kase anong kinalaman ng id ..at anong id yun sa isip isip ko.
Tas nakita ko puro piso yung binayad nya napaisip pa ako na baka namalimos sya. Pero imposible kase okay naman sya manamit. Parang walang sakit ba.
Tas after namin umorder.
Sa daming space doon , lumapit sya saamin dala nya pagkain nya at sinabi nyang " pwede po bang maki share "
Ako at ate : oo naman sigi..
Ako nakatitig sakanya, na para bang. Ang daming tanong agad sa isip ko ..
habang si ate neri, inaasikaso sya na para bang anak nya na, yung malapit sakanya..
Nung nasa tabi nanamin sya, nag kkwento na sya at nag pasalamat. Kase pinashare namin sya sa upuan at lamesa, habang naiyak sya....
Ako : bakit ka umiiyak?
Mataba : kase po ang laki po nung binayadan ko 64php po e may id naman po ako..
Narinig nung isang babae na crew, sabi nya bakit ka umiiyak. Inulit nya yung sinagot nya saamin..
(kilala pala nya, dahil madalas si taba sa SMRmcdo)
Tinanong ni ate nerie na magkano ba lahat talaga yung babayaran nya? Sabi ng crew na babae "89php" po dapat, pero naka discount napo kaya po 64php nalang.."
Ate nerie : ayun naman pala e. Hayaan mo na. Kumain kana ( todo asikaso. )
Si taba super salamat talaga. Grabe na yung salamat na sinasabi nya saamin. Siguro 30times na ..
Gang sa nag open sya ,
Taba : nabaril po ako dati . Ako po kase may bala po ako sa utak ko po. Kaya po may id po ako.. Dati po akong napatira sa bahay bata. Dahil daw po ako ay baliw na sabi ng sarili kong magulang..
Ako : ha? Baliw? Bakit?
Taba : kase nga po may bala po ako sa utak.
(nabaril daw sya noon sa bagtas, sa madilim na lugar kasama ang kanyang kaibigan, nung dinala daw sya sa hospital , once na operahan sya. At tanggaling yung bala sa utak nya. Iba na daw magiging takbo ng utak nya, yun daw ang sabi ng doctor)
Sabi ko maaring patingin ng id mo? Binigay nya saakin. Then i see. Her name is Marjorie :) , na kahit may nangyari sakanya noon ay hindi mo masasabi na sya ay isang baliw. Dahil naikkwento nya ng malinaw at maayos ang sinasabi nya.
May sinabi pa syang na comma sya nung sya ay naka confine. Sa Dahilan na ang step father nya na pangalawa is ginalaw sya..
Sinabi nya daw iyon sa lola nya. At sinabi naman ng lola nya sa mama nya. Na para ba daw hindi naniniwala..
At maraming nag sasabi sakanya na baliw sya.. Okay lang naman daw yon kung sa iba manggagaling. Kaso sobrang sakit daw kase mismong mama nya sinasabihan syang baliw. Oo nga naman may point sya..
Sabi nya halos bata ang nag sasabi sakanya na baliw sya. Hindi nya daw ito pinapatulan dahil mas mag mumukhang bata daw sya kung ppatulan nya at alam nyang sa sarili nyang hindi ito totoo.
Oh diba? May mga way sya na nasasabi saamin na mapapa wow ka dahil sa ganitong kalagayan nya ay nakakapag isip sya ng mabuti. :)
Sabi ni ate sakanya. WAG MO IINTINDIHIN ANG MGA TAONG SINASABIHAN KANG BALIW..WAG KA GAGAWA NG ALAM MONG MALI. GUMAWA KA LAGI NG TAMA DAHIL MAY MAS MAGANDANG BIYAYA ANG DADATING SAIYO..
Nung sinabi ni ate yan. Naiiyak sya. Pati kaming dalawa. Kase nag tthankyou sya saamin kase kahit papaano daw meron padin daw talaga na tao na katulad namin na kaya syang bigyan ng pangangailangan, kausapin , intindihin ,at bigyan sya ng pansin ..
Tas sabi nya , Gusto ko po sana sa DSWD mapunta, kase binubugbog din daw sya ng mama nya kahit wala naman syang ginagawa.. :(
Sabi ko sige, ittry ko ipost ito sa fb. Pwede ba kita picturan? Ayaw nya nahihiya daw sya. Sabi ko kasama mo naman kami. Okay lang yan.. Then kinuha ko ulit id nya. Pinicturan ko din..
Tas binigyan sya ni ate nerie ng ice cream, naiiyak nanaman sya na natutuwa.. Binigyan din sya ng pamasahi pauwi. Sobrang pasasalamat sya. Kahit sa unting halagang binigay namin sakanya. Sobrang laking tulong nadaw sakanya yon..
Tas ask namin sya if anong gagawin nya after nya kumain. Tumutulong daw sya s pag lilinis dito sa mcdo.then naghahanap sya pasahero sa bus at jeep para daw may pangkain sya sa gabi.
Hanggang sa napagaan na namin yung loob nya, nakikipag biruan nadin sya saamin.. Sabi nya pa saakin. May sasabihin daw sya saakin at wag ako magagalit . Ang laki daw eyebags ko HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA. Jusko ako tawa ng tawa. Tas gusto nya makita kili kili ko HAHAHAHAHAHAHA sabi ko wag na..baka ma turn off sya HAHAHAHAAHAHAHAHA. Nakikipag biruan sya maigi. Sabi ko. Hayaan mo .. Ppunta ulit kami dito. At hahanapin ka namin.. Sa ngayon, mag titiis ka muna ha. Tutal ayaw mo din naman paalam sa mama mo na gusto mo sa DSWD. Kase mukhang magagalit kamo sya.
So ayun nga, sana po ay ako'y inyong matulungan, dahil gustong gusto nya po talaga sa DSWD mapunta. Dahil gusto nya daw makapag aral at makatapos kahit HIGHSCHOOL.. gusto nya daw ipakita sa Magulang nya na kahit ganito daw sya na may bala sa utak, kaya nya padin ng ginagawa ng normal na tao.. So ayun po.. Sana po ay ito ay kumalat at mabasa ng taga DSWD.. Sya po ay taga CASA HACIENDA na po.. Maraming salamat po..
Many netizens have read Nikkita's post and many of them are touched and some of them knows the girl. They are saying that she is a nice person. Read some of their comments.
So what do you think about this article? Let us know your thoughts by simply commenting on the comment section located down below. Thank you for visiting our website.
Source: Nikkita