Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Her Lola's Diary That Contains A Love Story That Touched Netizen's Heart


Love stories are very touching especially if it came from your relatives hearing and seeing proof of their love makes you feel that stingy sensation in your heart.

There are a lot of touching love story out there but this particular story made my many netizens eyes water as well as made their hearts feel a lot of different emotions.

Facebook user Erika shared her grandmother's love story which made netizens feel many different kinds of emotions. So without further ado let us read her 'Lola's Diary'.

Read:

So 2days ago umuwi ako sa bulacan. tapos nakita ko tong diary ng lola ko. grabe sakit sa puso 💔💔
January 30, 1966
“Masakit gunitain ang nakaraan ngunit sa pagkakataong ito’y ibig kong ibahagi ang aking kasaysayan upang kahit bahagya man lang ay mabawasan ang aking pagdadalamhati. Ito’y kasaysayan namin ni tasing, ang lalaking bukod tangi kong napag-ukulan ng lahat ng aking pagmamahal. Tandang tanda ko pa noon, buwan ng enero 1960 nang magkakilala kami ni tasing sa bataan. nagtatrabaho sya sa reforestation project at nakatira sa mga amain ko na kasama nya sa trabaho. ako naman noon ay nagpalipas doon ng bagong taon. noong una ko syang nakita hindi paggiliw ang aking nadama kundi pagaalangan sapagkat malaki ang agwat ng aming gulang. nasa ikalabing siyam na taon ako noon at sya naman ay nasa kanyang ikatatlumpo. ang akala ko noon hanggang sa bataan lang magwawakas ang aking pakikipagkaibigan sa kanya ngunit ako’y nagkamali. nagtaka nalang ng isang araw ay makatanggap ako ng liham mula sa kanya. ito ang naging simula ng aming pagkakaibigan. dumadalaw rin sya sakin dito sa maynila, paminsan minsan. ang damdamin ko sa kanya noon ay tulad sa isang kapatid kaya’t ang mga suliranin ko tungkol sa mga nanliligaw sakin ay sa kanya ko inihihingi ng payo. ang bawat naipayo nya ay nakabuti sakin. sinimulan ko ng iwaksi ang aking kilos bata at natutuhan kong pinuhin ang aking kilos na tulad sa isang ganap ng dalaga. nang matagalan sya’y nagtapat sakin ng pag ibig. ngunit tiniyak ko agad sa kanya na hindi na hihigit pa sa pagtinging kapatid ang maaari kong iukol sa kanya. hindi sya nasiraan ng loob, nagpatuloy pa rin sya ng panliligaw sa akin.
dalawang taon pa ang lumipas, (1962) at sa mahabang panahong iyon, natutuhan ko na rin syang ibigin. pag ibig na sa kanya ko lamang nadama sa aking buhay. kaya’t ng dumating ang valentines day ng taong ito ay sinagot ko na sya. pinakalihim lihim namin ito, sapagkat tutol sa kanya ang aking ama. unang una dahil sa aming edad, pangalawa sya’y isang reserve officer ng philippine army bilang first lieutenant. ayaw raw nila sa isang sundalo sapagkat lagi kaming magkakalayo. ilang buwan pa lamang kaming magkasintahan ay pinipilit nya na akong magtapat sa aking mga magulang ngunit tumutol ako at sinabi kong maghintay pa kami ng isang taon.
sa aming pagkakaunawaan, naging napaka maalalahanin nya sa akin. maunawain sya at kung mayroon kaming di pinagkakaunawaan, sya ang laging nagpaparaya. kahit sya ay malayo, kapag sumasapit ang aking kaarawan at valentines day ay dumarating sya at namamasyal kami. kasama ang dalawa kong kapatid. bagamat ni minsan ay hindi kami nakapag sarili ng lakad ay naging masaya kami sa kalagayang ito. kakaiba sya sa lahat ng lalake iginagalang nya ako at gayon din ako sa kanya.
(1963) ang aming pinakahihintay para tuparin ang pangarap naming magtapat ang balak namin sapagkat nagaaral sya noon ay sa bakasyon kami magtapat. (abril) ngunit marso pa lamang ay nagkasakit na ang aking ina at makalipas lang ang ilang buwan ay binawian na sya ng buhay. dahil ako ang panganay napatong sa aking balikat ang pagaaruga sa aking mga kapatid. lalong naging mahirap para sa amin ang magtapat ng taong iyon.
tuwing katapusan ng buwan ay hindi nya ako kinaliligtaang dalawin. ako naman noon ay naging masasakitin dala marahil ng aking pagiintindi at pagaasikaso sa aking mga kapatid. hindi naman sya nagkulang ng pagaalaga sakin. madalas kaming namamasyal. hindi rin sya nawawalan ng pasaubong sa akin. walang patid ang aming pagsusulatan at sa mga kanyang liham ay hindi nakakaligtaan ako’y paalalahanan. ingatan ko raw ang aking sarili. napaka ligaya namin noon sa aming pagmamahalan, lalo syang napamahal sa akin.
agosto ng sumunod na taon (1964) hindi sya nakarating sa akin noon. sapagkat diumanoy marami syang trabaho. nangako syang sa kaarawan ko (nobyembre 25) ay tiyak na darating sya. upang tuparin na ang napagusapan namin pagtatapat sa aking ama. tuwang tuwa ako sapagkat sa wakas ay matutupad na ata ang aming balak. kaya’t ng dumating ang buwan ng nobyembre ay abut abot ang aking panalangin na sana’y makapagtapat na kami, na payagan sana ako ng aking ama. ngunit tatlong araw na lamang bago dumating ang kaarawan ko ay nagiba ang takbo ng pangyayari, nabigla na lamang kami ng magtapat ang kapatid kong dalaga sa aking ama inunahan nya kami ni tasing. sinampal sya ng aking ama. umagang umaga kinabukasan ay inuwi sya ng aking ama sa probinsya. itinago sya roon ng mga ilang buwan. pati ako noon ay pinagbantaan din na layuan ko si tasing. kayat nung sumapit na ang aking kaarawan pinayagan lang kami noon na magusap kaya lang ay hindi na kami nakapamasyal tulad ng dati. gayon na lamang ang kanyang lungkot ng malaman nyang bigo na naman kami sa balak naming pagtatapat. niyaya nya na akong magtanan noon ngunit dahil sa laki ng takot ko sa aking ama hindi ako pumayag sinabi ko sa kanya na magpalipas muna kami ng mga ilang buwan hintaying lumamig ang ulo ng aking ama. buwan ng abril ang napili namin taong 1965.
at muli kaming umasa, muli kaming nangarap. buwan ng abril, katapusang linggo ang pangako nyang pag punta sa amin at muli pinaghandaan ko ang kanyang pagdating. ngunit nabigo kaming muli ang dahilan ay nagtanan ang kapatid kong binata at kelangan makasal sa madaling panahon. sulat nalang ang pinadala ko kay tasing. hindi ko na sya pinapunta sa amin sa pinangako nyang araw. ayaw kong makita sa kanya ang matinding pagkabigo. akala ko manghihina na sya sa akin noon at hindi na nya ako dadalawin. kaya’t gayun na lamang ang aking kagakan ng makatanggap ako ng sulat mula sa kanya. wala akong nabasa na hinanakit doon punong puno ng pagaalala ang kanyang sulat. naiyak ako ng mabasa ko ang sulat nya. kaya nung dumalaw sya ay sinabi kong anuman ang mangyari ay magtatapat kami ng taong iyon. (1965)
setyembre 1965 ay natawag syang muli sa army, bilang first lieutenant. sa camp aquino sa tarlac sya nadestino. bagay na nakabuti sapagkat sa tarlac kami nagbabakasyon. dumalas ang dalaw nya naging madalas ang aming pamamasyal. maluwag kaming pinayagan ng aking ama basta’t may kasama.
at dumating na muli ang aking kaarawan at tulad ng matagal na naming binabalak. nilakasan na namin ang aming loob at nagtapat na kami. ganun na lamang ang aking kaligayahan ng hindi tumutol ang aking ama.
itinakda ang aming kasal. enero 15 ng taong papasok 1966 military wedding. sa isang tanyag na restaurant ang handaan. sa baguio ang aming honeymoon at magbabakasyon sa kanila sa la union. bago kami ikasal ay nagbakasyon ako sa tiyahin ko sa tarlac, upang makapamasyal ako sa camp aquino.
dalawang linggo ako doon, anong ligaya ko doon. ipinasyal nya ako sa campo, ipinakilala sa mga official doon. sa aming paguusap ay binahagi namin sa isat isa ang aming mga pangarap. muli kaming nangarap, at sa aking pagiisa ay nangarap din ako. kung ano ang magiging ayos ko sa aking damit pang kasal magsasalamin ako magpipindong ng puting damit. anupa’t naging abala kami parehas sa aming nalalapit na kasal.
disyembre 19 nang bumalik ako rito sa maynila. ipinangako nyang bago magpasko ay luluwas sya rito sa maynila upang kumuha kami ng marriage contract at mamimili kami ng damit pang kasal at magpapagawa ng invitation.
pinanabikan kong muli ang kanyang pag dating. ngunit gayon na lamang ang aking pag aalala ng sa halip na sya ang dumating ay isang telegrama ang dumating.. “Lt. morales sick confined army hospital” hindi ako mapalagayn noon alalang alala ako sa kanya. hindi ko sya magawang madalaw dahil mapanganib daw sa ikakasal ang magbyahe. sumulat ako sa kanya na ipagpaliban na muna namin ang kasal kung may sakit sya. at naghintay akong muli ng balitang mula sa kanya iyon na marahil ang pinaka mahaba kong paghihintay. hindi ako mapalagay lagi ko syang napapanaginipan.
enero 7, 1966 sinundo ako sa amin ng kanyang kapatid. nasa hospital pa rin si tasing. dali dali akong pumunta doon. gayon na lamang ang aking pagkahabag nang makita ko sya. hapis ang kanyang muka at bagamat nakangiti nya akong binati ay nahalata kong pinipilit nya lang ang kanyang katawan upang palakasin ang aking loob. may sakit daw sya sa bato, ayon sa doktor. ipinakilala nya ako sa kanyang mga magulang sinabi pa nyang pag dalaw kong muli sa kanya ay susukatan na ako ng wedding gown.
enero 9, gumagayak na kaming para sa muli kong pagdalaw sa kanya ng may dumating na sundo sabi “Lt. morales pass away.” hindi raw sya nakaligtas sa operasyon. para akong pinagsakluban ng langit at lupa. nagsisisigaw ako sa malaking sama ng loob. gayon na lamang ang aking iyak. pagkaraang malampasan namin ang maraming hadlang, pagkaraan ng apat na taon ay saka pa ito nangyari. ibig kong mamatay na rin ng mga sandaling iyon.
dalawang araw syang ibinurol sa camp aquino pagkatapos ay dinala na ang kanyang bangkay sa la union. sumama ako roon, parang ayaw kong mahiwalay sya sa aking paningin. sa itinakdang araw ng aming kasal sya ay hinatid namin sa kanyang huling hantungan. hindi ko maipaliwanag ang sama ng loob ko lalo pa’t nakikita ko ang aking kasuotang itim na itim, na sa halip sana ay puting wedding gown. na sa halip na military wedding ay military funeral ang ginanap.
bagamat sya ay pumanaw na ang kanyang mga ala ala ay mananatiling sariwa sa aking gunita. ang kanyang pagmamahal sa akin ay kailanman hindi ko makakalimutan. at sa kanyang pagpanaw ay tanging naiwan sa akin ang “wedding ring” na hindi na nya nahintay masuot sa akin.”
fely fajardo.
                      (Photo Credits To Erika)

    (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

    (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

    (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

    (Photo Credits To Erika)

    (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

                      (Photo Credits To Erika)

So what do you think about Lola's diary? Let us know your thoughts by simply commenting on the comment section located down below. Thank you for visiting our website.

Source: Erika

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]