KENDI KAYO DIYAN! 🍬🍭
Siya nga pala si "LOLO CANDY" ( hindi na po nalaman yung pangalan dahil masyado nang nagalak.) marahil marami nakaka kilala o nakaka pansin sakanya. Siya lang naman yung laging nagtitinda ng kendi sa may palibot ng rose garden diba? Yes siya nga. Sa unang tingin mo sakanya, hindi mo agad mapapansin kung ano talaga ang kalagayan at katayuan niya sa buhay. Tsaka lang mahahaplos ang mga puso niyo once na napabili kayo sakanya. Kumbaga, pinto ng kanyang buhay yung mismong tinda nya, kung pano siya nabubuhay, kung paano siya lumalaban sa buhay.
79 years old na si lolo. 4 ang anak. Nakatira siya sa Urbano St. Yung bunsong anak daw niya 25 years old na at apat yung anak niya. Lahat sila walang trabaho. Buhay parin ang kanyang asawa. Tinanong namin siya kung bakit sa edad niyang yan ngtratrabaho pa siya at ang sagot niya "eh mahirap ang buhay eh" around 12 pm this day, pinuntahan namin si lolo. kinausap at napansin naming tulala siya. Yung mga benta niyang candy dadalawang klase lang at napakaliit nung basket na lalagyan niya. Sa tabi niya, may pagkain siya dun na matagal na yatang nakastock. Inuunti unti nya lang ata ang pagkain para may baon parin siya kinabukasan. After namin itanong personal niyang buhay, nagapaalam kami na babalikan namin siya kasi may bibilhin lang kami. nagtataka pa nga yata si lolo bakit sguro namin sya kinakausap o kaya pinaghihintay.
Pagbalik namin, inilapag namin sa harap ni lolo yung groceries na pinamili namin. At hindi ko makakalimutan yung ngiti niya nung nakita nya mga yun. Hindi siya mapakali mga besh, di niya alam kung anong una niyang hahawakan nun. Sinabihan na namin siyang umuwi at wag ng magtinda for the rest of the day, siguro dahil sa sobrang saya at excitement niya, dali dali niyang inayos yung paninda niya. pinilit namin siyang magtaxi pero ayaw niya kasi malapit lng daw. pero paano niya mabubuhat lahat yun? Hinatid nadn namin si lolo. Habang nglalakad tinanong ko kung bakit sa edad niyang yun nagtitinda pa siya, sumagot sya ng "eh mahirap ang buhay eh" kung tayong mga studyante hirap na hirap na sa pagaaral, paano nalang kaya si lolo na araw araw lumalaban pra lang mabuhay? dba? hinahangaan ko siya dahil kahit sa sobrang hirap ng buhay niya, hindi niya nagawang gumawa ng masama pra lang mabuhay. Hiyang hiya pa si lolo mgpahatid dahil maliit lng dw yung bahay niya at kubong-kubong lang. Pero hinatid prn namin siya, sa totoo nga, excited siyang makauwi ksi 5 secs palang yung nasa walking sign eh gusto na niyang lumakad noong patawid na kami.
Pag dating namin sa bahay ni lolo, nakakadurog ng puso mga bes 😭💔 gawa sa plywood at yero lang ung bahay ni lolo. Bago ka makapasok, puro basura makikita mo. habang papasok kami, naiiyak kami kasi paano mo matitiis na tumira sa ganun? At nga pala, hindi kasama ni lolo sa bahay na yun ang pamilya nya. Mag isa lang syang namumuhay sa bahay nya. Kumbaga iniwan lang sya dun ng pamilya nya 💔 Hndi namin maimagine mabuhay sa ganung klaseng bahay pero si lolo kinaya nya. Walang reklamo. Walang halong pandidiri sa kung ano mang nkapaligid dun at pawang kurtina lang ang nagsisilbing takip sa bahay ni lolo. Pagpasok namin sa mismong loob napakadilim. Walang ilaw. Walang appliances. Wala nang kahit ano bukod sa puro kalat. Kama agad, puro basura at isang manipis na kutsyon at kumot lng ang naroon. Nakakapanghina, nakaka durog ng puso 😢 lalo na at sa lamig ng panahon ngayon, paano natitiis ni lolo yung lamig? Pano sya tuwing bumabagyo? Paano sya tuwing summer? Ang hirap, ang hirap isipin. sa ganoong edad at sa ganoong kalagayan. walang cr. walang liguan. at tanging mga damo at talahib nkapalibot sa bahay ni lolo na yun. Kaya saating mga mapapalad, let us appreciate even the little things that we have. Swerte na tayo kung nakakakain tayo ng 3x a day kasi si lolo hindi. Pero priceless yung ngiti ni lolo noong inabot namin yung mga pamasko namin sakanya.
Maraming salamat sa mga taong tumulong MaeJansen Doroneo at Jasmine Quiaño, salamat mga bes ❤️👭 may natulungan tayo bago magtapos ang taon.
Baby Michael Angelo Lapitan Acurin im so proud dito sa plano mo. ipinilit ko mang may mabuksan ka ngayon pasko sana, pero mas pinili mo tulungan si lolo. Na gagawin sana natin noon bago ka umalis papunta dyan. pero hindi natin siya nakita. napakabait mong boyfriend tlaga, nakaka proud na boyfriend kita 😊 sana happy ka sa wish mo ngayong pasko. Mahal na mahal kita ❤️ Merry Christmas! 🎄🎄🎄
Sa mga nakabasa po netong post. Sana po mapansin natin si lolo. Mabigyan po sana natin sya ng atensyon at tulong. Kasi sa kalagayan nya ngayon ay sobrang kelangan nya ng tulong natin. Sa mga gusto pong tumulong pwde niyo po kaming i message dito sa facebook para sa iba pang detalye tungkol kay lolo o kayo nalang ang pumunta mismo kay lolo para iabot ang inyong tulong. Kelangan ni lolo ng mga damit. Jackets lalo nat malamig na. Kumot o kutson sana kasi napaka nipis na ng hinihigaan ni lolo. Pagkain at tubig narin po. Sana po matulungan natin si lolo. Sa simpleng act po natin ay napaka laking ibig sabihin na po yun sa iba. Naway nahaplos ni lolo ang mga puso niyo. Merry Christmas po sa lahat at God bless us all po! ❤️❤️❤️
"It's the little details that are vital.
Little things make big things happen"
-Jhon Wooden
So what do you think about this article? Let us know your thoughts by simply commenting on the comment section located down below. Thank you for visiting our website.
Source: