Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

NOW TELL ME KUNG GAWA GAWA LANG ANG "DEPRESSION"


I'm not posting this para sa awa at sympathy. I am posting this to stop the stigma and raise awareness. Actually, natatakot at nahihiya akong i-post to dahil alam nyo naman ang mapanghusgang lipunan baka sabihan ka lang "attention seeker" "baliw" etc. pero ipopost ko nadin kasi OO NATRIGGER AKO KAY MAMSHIE JOEY.

Ang Depression ay hindi gawa gawa lang. Depression can affect anyone—even a person who appears to live in relatively ideal circumstances.

Several factors can play a role in depression:
Biochemistry: Chemical imbalances in the brain may contribute to depression.
Genetics: Depression can run in families. For example, if one identical twin has depression, the other has a 70 percent chance of having the illness sometime in life.
Personality: People with low self-esteem, who are easily overwhelmed by stress, or who are generally pessimistic appear to be more likely to experience depression.
Environmental factors: Continuous exposure to violence, neglect, abuse or poverty may make some people more vulnerable to depression.

ANG DEPRESSION AY HINDI GAWA GAWA LANG OR PASOSYAL LANG.
It just happens na yung iba ay may means para maafford yung therapies, medications and counseling. Kaya lang naman nasasabing pasosyal kasi sila alam nila, nakakapag pa-consult at may doctor na nagdiagnose sa kanila. In my case, maswerte ako. Maswerte ako na may pambayad ang magulang ko para sa psychiatrist at gamot. Pero paano na lang yung mga walang wala? Magugulat ka nalang tumalon na sa tulay, naglason o nagbigti dahil hindi naman nila nakukuha yung medical attention na need nila so how can they understand what they're actually dealing with.

DEPRESSION ISN'T "IT'S ALL IN THE MIND"

Again, depression is chemical imbalance in the brain. Kung di mo magets, hanapin mo lahat ng serotonin na inubos ng depression na yan sakin. So, hindi lang sya basta naisipan mo lang maging malungkot.

DEPRESSION ISN'T A CHOICE.

Tanungin mo ang mga taong may Depression kung ginusto ba nilang gumising araw araw ng pakiramdam nila ang liit liit nila, na wala silang silbi. Some of those who suffers from Depression may be a rape victim, physically abused, mentally or emotionally abused or been deprived. Sinong bang tao ang gustong maranasan yun just to suffer from Depression? Sino bang tao ang gustong maging malungkot bawat segundo ng buhay nila? At sino bang tao ang gusto mag suicide because of Depression dahil trip lang?

And please stop the stigma. Wag nyo naman pong katakutan ang mga may "Mental illness". Wag nyo din sanang tawaging baliw ang mga may Depression. Depression may be mental disorder pero hindi kami baliw. Naranasan ko na ang mapaalis sa mga schools everytime they will learn about my depression. Bakit nila nalalaman? No, Hindi ko pinagkakalat dahil hindi naman ako proud na meron ako nito. Minsan kasi kailangan ko umbsent dahil may anxiety attack ako or may schedule ako with my psychiatrist at need ng medical slip at syempre dun na malalaman why do I have to see one. Naranasan ko ng sabihan ng school administrators na hindi ako fit sa school nila at di ako katulad ng mga estudyante nila. Like hello, di po nakakahawa to at wala naman po akong balak pumatay ng kahit na sino sa school nyo mga ma'am sir.

Wag nyo din tawaging "weak" o "tanga" ang mga nag suicide or may suicidal tendencies dahil unang una, wala ka sa posisyon nila. Hindi mo alam kung ano o gano kabigat ang loob nila kaya ginusto nila mag suicide o bakit naiisip nilang mag suicide. (I am not promoting suicide, utang na loob, nag eexplain lang ako)

So ayun, sana kung wala kayong magandang sasabihin at mang iinsulto lang kayo sa mga taong nagsusuffer from this, better not spill it nalang. Parang awa nyo na.
And to those who suffers from this, kapit pa. You are bigger than depression. Your God is bigger than depression.

STOP THE STIGMA, RAISE AWARENESS AND LET HEALING BE SPOKEN. ALL THE LOVE!

Dealing with Major depressive and panic disorder since 2014 but still kicking. Laban lang mamsh!






Source: Dana Chua

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]