Paano nga ba Maiiwasan Ang Sleep Paralysis?
SLEEP PARALYSIS o Waking Nightmare: Paano ito maiiwasan at ano ang gagawin upang magising agad?
Naranasan mo na ba na kakatulog mo palang pero bigla ka magigising na parang may humahatak sa'yo o nakadagan sa iyong dibdib? Alam mo ang nangyayari sa palagid mo pero di ka makakilos o makapagsalita. May nakakatakot kang makikita sa paligid o tabi mo, parang multo, demonyo o masamang espiritu. Gusto mong sumigaw upang humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses? Gusto mong gumalaw pero parang nakatali ang buo mong katawan. Ang tawag dito ay sleep paralysis.
Ang sleep paralysis ay isang common sleep condition. Kahit na ito ay nakakaalarma, HINDI ITO MAPANGANIB o masasabing MEDICAL EMERGENCY.
Ang pinaka-common na nangyayari sa episode ng sleep paralysis ay ang walang kakayahang kumilos o magsalita.
GAANO ITO KATAGAL?
ITO AY MAAARING TUMAGAL NG ILANG SEGUNDO HANGGANG 2 MINUTO. Kadalasan, tumitigil ito ng kusa o kaya naman kapag may tatapik o gigising sa iyo.
PAANO ITO MAIIWASAN:
1. Bawasan ang stress
2. Regular na mag-ehersisyo, pero huwag bago matulog
3. Matulog ng sapat. Magkaroon ng sleep schedule
4. Kung may sakit, siguraduhing naka-track ang oras ng iyong pag-inom ng gamot
5. Alamin ang side effects ng mga gamot na iniinom upang maiwasan ang ilan sa mga side effects nito, tulad ng sleep paralysis.
ANONG GAGAWIN KAPAG NARANASAN ITO:
1. Huwag labanan. Kapag pinilit mong labanan, lalong lalala ang pakiramdam na may mabigat sa dibdib. Kalmahin ang sarili kahit natatakot
2. Igalaw ang mga daliri sa paa. Kadalasan ay sa dibdib, tiyan at lalamunan ang apektado ng sleep paralysis. Ifocus ang buong atensiyon sa paggalaw ng mga daliri sa paa. Mabisa itong pampagising
3. Ibuka at isara ang kamao. Parang technique sa #2
4. Controlled breathing. Kadalasan kapag nasa sleep paralysis ay nakakalimutan nating huminga ng maayos dahil sa sobrang takot. Ikontrol ang paghinga. Inhale exhale upang makalma ang paghinga. Mababawasan nito ang chest pains
5. Magdasal. Pinakamabisa!
6. Umubo. Dahil hindi ka makakasigaw, subukan mong umubo hanggang ikaw ay magising
7. Sumimangot o lukutin ang mukha na parang nakaamoy ka ng mabaho. Gawin ito 3 beses hanggang magising.
PAGKAGISING, HUWAG MATULOG ULIT upang hindi magtuloy ang sleep paralysis. Buksan ang ilaw, maghilamos at uminom ng tubig.
Source: http://pilipinoviral.blogspot.com/2016/05/paano-maiiwasan-ang-sleep-paralysis.html