Nakakabilib naman ang ginawa ni kuya para sa mga batang ito sa may Jollibee Restaurant sa Marquinton
Netizen shares photos and a video of this guy feeding these little kids inside the Jollibee Restaurant
Around 2pm today kumain kami ni niks sa Jollibee Marquinton tapos nakita namin ito. Sobrang nakakaiinspired ang ginawa ni kuya. Yung mga bata na nakikita niyo sa picture and vid, nakatambay lang sila sa harap ng store, namamalimos din siguro sila. Nagulat lang kami kasi si kuya nag order nang 3 spag hindi para sa sarili niya kundi para sa tatlong bata na nasa labas. Tinawag niya, pinaupo niya, pinakaen niya. Sobrang nakakatouch pa yung susubuan niya yung pinakabata sa tatlo tapos sobrang tuwang tuwa siya. And eto pa yung nakakaiyak na part na narinig ko na sinabi nung isang bata na naka green.
Kuya: Tapos kana kumaen?
Batang naka green: Opo
K: Bakit hindi mo inubos?
B: Para po kasi kay mama.
Hindi lang sarili nila ang iniintindi ng mga bata pati mga magulang nila. Halata sa mga bata na gutom sila kasi umorder pa si kuya ng burger at naubos nila.
Thank you Lord kasi may mga instruments kang ginagamit para magabot ng tulong sa iba.
Para ka kuya, saludo po kami ng boyfriend ko sayo. Ramdam namin sa mga mata at ngiti mo na lubos talaga ang pag tulong mo sa kapwa. Sana patuloy kang pagpalain ni Lord para mas marami ka pang matulungan or mapakain hehehe. God bless you po! Continue mo lang po yan, malayo mararating mo. Pasensya nadin po kung pinicturan kita, nakakainspired ka lang po kasi. Sobra.
"Do to others what you want do unto you" patuloy ko pong tinatanim sa puso ko ang salitang yan.
"Sa jollibee, bida ang saya" 💟
THANK YOU LORD!!!!
Netizens show their admiration by commending him on the comment section.
Source: fb