Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Dalawang skater inalalayan ang isang matandang hirap sa paglalakad, nakunan sa CCTV


Nagviral sa social media ang dalawang lalaking ito na nakita sa CCTV na inaalalayan ang isang matandang lalaki sa kanyang pagtawid. Ito ay pinost sa fb page na Public Assistance & Complaint Center. Umani ng ibat' ibang reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing post at umabot na rin sa isang-daang libo ang nagshare nito sa fb.

GOOD NEWS: Skater Boys ng Baliwag namataan kani-kani lang ang nag silbing good Samaritans sa isang matanda na hirap sa kanyang paglalakad na kanilang inalalayan mula sa Hero's park hanggang sa sakayan ng jeep sa may Petron Baliwag.
Mabuhay kayo! Dapat kayong parisan.
#SerbisyongMayMalasakit


Hindi pa natutukoy kung sino ang dalawang binatilyo na tumulong kay lolo. Sila daw ay mga skater boy sa kanilang lugar.


Hindi man sila kilala, pero ganun pa man ay marami pa din ang bumilib sa ginawa ng dalawa. Sila ay mga good samaritan ng kanilang lugar, sana lahat ng tao ay ganito, matulungin at walang pinipili na tutulungan.



Source: fb

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]