Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Jessy Mendiola Nag-React Na Sa Sinabi Ng Nanay Ni JM At Sa Mga Bashers Niya.


Jessy Mendiola Nag-React Na Sa Sinabi Ng Nanay Ni JM At Sa Mga Bashers Niya.

Matapos ulanin uli ng bashers si Jessy Mendiola dahil sa paglabas ng pahayag ng ina ng dating karelasyon na si JM De Guzman. Hindi na napigilan ni Jessy ilabas ang kanyang panig patungkol dito.
Pahayag ni Jessy sa PEP at Cinema News kay Jessy, sa studio ng ASAP noong Linggo, July 9,
 “Ako talaga, ewan ko lang sa mga tao kung maniniwala sila o hindi...
“For me kasi, bago ako pumasok sa isang relasyon at papayagan ko ang isang tao na i-pursue ako, sisiguraduhin ko na clear lahat. Clean slate lahat.
“Kumbaga, kung ano yung dati, iyon yun, di ka dapat pumasok sa bago kung may kalabuan pa. Dapat sarado lahat.” 
Sinagot din ni Jessy ang akusasyon ni Han Carteciano Gob, ina ng ex-boyfriend niyang si JM de Guzman, na “sinungaling” at “two-timer” siya. 
Saad ni Jessy, “Hindi, friends kami ni Luis dati pa, pero hindi kami yung laging nagkikita. 
“Nung time na yun, naging close lang kami because of that incident. 
“Nag-thank you pa nga ako sa kanila, e. Kumbaga, nag-thank you ako sa pag-aalaga ni Luis sa akin. 
“Tingin ko pa kay Luis nun, Kuyang Maniac, e. Alam mo yun, pag nakikita mo siya palagi, di ba? 
“Wala, wala talaga. Ewan ko… saka kami pa nung isa.” 
Ang “that incident” (“Young actor, lasing at nagwala sa eroplano?”) na tinutukoy ni Jessy ay ang airplane incident nila ni Enrique Gil noong September 2015, kung saan sumaklolo sa kanya si Luis. 
Para naman sa nanay ni JM. 
 Naiintindihan niya naman daw ang pinanggagalingan ng ina ni JM, pero alam daw niyang ang totoo.
“Well, may mga bagay talaga na hindi mo maku-control. 
“Siguro caught up pa siya sa past, sa mga nangyari dati. 
“Ako, alam ko ang totoo, e… siguro yun ang opinyon niya or whatever. 
"Wala, hindi naman siya kasali sa relasyon namin, so hindi niya alam talaga ang nangyari. 
"Naiintindihan ko naman siya. 
“May sarili din akong nanay. Palaban din yun, minsan nga pinipigilan ko na.”
Para naman sa kanyang BASHERS: 
Hindi kinakaila ni Jessy na hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa mga bashers, pero natuto na rin daw siyang huwag patulan ang karamihan sa mga ito.
Dagdag pa niya, 
“Sanay na ako, kumbaga, ang dami nang nasabi sa akin, ang dami nang panghuhusga. 
“It makes me think, ‘Nasaan na kaya ang humanity?’ 
“Kahit na sabihing kunwari ayaw mo sa akin, okay lang na may masabi ka, pero kasi what you say about other people, it shows who you are, it says a lot about you.

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]