Scholar, nasawi matapos mabiktima ng hit-and-run. Hustisya ang isinisigaw ng kanyang pamilya.
Puno ng pag-asa at pangarap sa buhay, ganyan ilarawan ni Michael Del Fuentes Nacion si Meldie Destura Rico.
Si Meldie Rico ay biktima ng hit and run sa Lalaan 2, Silang, Cavite.
Ayon sa isang facebook post ni Nacion, hindi pa malaman ng kapulisan kung ano ang sumagasa kay Rico. Nakita na lamang nila itong duguan at walang malay na nakahandusay sa kalsada.
Nagtamo raw ito ng bali sa dalawang binti at braso at namamaga ang mukha sa lakas ng pagkakabangga sa biktima.
Walang nakasaksi sa nasabing insidente at hindi pa umano nakikilala ang driver.
Nawalan ng buhay si Rico noong June 25, 2017 at hustisya na lamang ang isinisigaw ng pamilya neto. Sana raw ay makonsensya ang gumawa ng krimen at sumuko sa otoridad.
Basahin ang buong kwento ni Nacion:
Siya si Ate Meldie Destura Rico, isang tao na punong puno ng pangarap para sa sarili at pamilya niya nakatira sa 320 R. DOMINGO ST., TANGOS NAVOTAS CITY . Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Administration (Major in Accountancy) sa NAVOTAS POLYTECHNIC COLLEGE noong lamang Abril 19, 2017, siya yung tipo ng tao na wala ka ng hahanapin pang iba, kase masasabi mo na nasa kanya na ang lahat, wala kang maririnig na daing mula sa kaniya kapag wala siyang pera hindi niya ito iaasa sa pamilya bagkus, gagawa at gagawa siya ng paraan para makapagbigay siya ng pera sa mama niya. Hindi kami pinalad na ipinanganak na mayaman kaya ito kami punong puno ng pangarap at pag-asa upang maiahon ang pamilya sa kahirapan. Ang kaniyang mabutihing Ina ay labandera at kaniyang Ama ay tricycle driver. Sa pamamagitan ng katas ng pawis at pagod ng kaniyang mga Magulang siya ay nakapagtapos siya rin ay scholar, totoo nga na kapag mahirap talagang magsusumikap upang magkaroon ng marangyang katayuan sa buhay. Sa kasipagan at determinasyon niyang makapaghanap ng trabaho pinalad agad siyang makahanap ng magandang trabaho napakabuti talaga ng Panginoon. Ang sabi niya sa Lola niya kapag nakapag ipon siya ng pera ipapagawa niya ang tagilid nilang bahay sapagkat kapag umuulan sila'y nababasa at may pagkakataon na babagsak na rin ito, isa ito sa mga pangako niya, sabi niya rin sa kaniyang Inang Labandera hindi niya na ito paglalabahin sapagkat, may maayos na siyang trabaho, sa loob ng apat na taon niyang nag-aral sa kolehiyo ang kaniyang Ina ang sumuporta upang matustusan ang pangangailangan nito sa pamamagitan ng paglalaba at kasipagan ng kaniyang Ina nakapagtapos siya. Nangako siyang pagtatapusin niya ng pag-aaral ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki, ang isang kapatid niyang lalaki na grade 7 ay binigyan niya ng perang mula sa ipon niya na nagtitiis na hindi kumain upang, may ipambili ng gamit sa eskwelahan ang kaniyang kapatid sabi niya rin ibibili niya ito ng cellphone kapag nakaipon siya. Gusto niya sa darating na July 14, 2017 na kaniyang kaarawan ay maulit muli ang kaniyang debu ngayong darating na July ay 21 years old na siya ngunit gusto niyang balikan ang pagdedebu sapagkat noong nagdebu siya ay simple lamang na kainan siya ang gumastos para sa sarili niya inipon niya ito ng ilang taon sa banko, matalino at madiskarte siyang anak yung tipong kapag ikaw yung Magulang magiging Proud ka at sasabihin mo sa Diyos salamat Panginoon kase may anak ako na ganto. Noong June 19, 2017 (11:00 pm) isang kagimbal-gimbal ang nangyari nasagasaan siya ng isang sasakyan hindi namin alam kung ano ang nakasagasa sa kaniya sa LALAAN 2, SILANG CAVITE malapit dw po sa Green Papaya hotel naganap ayon sa pulisya walang CCTV ang daan at walang ilaw kakauwi niya lamang ng trabaho ng mga oras na iyon. Tinakasan siya ng nakagasa sa kaniya para lamang isang basura siya na matapos mahawi ay inawanang duguan at walang malay. Nakita siya ng dalawang pulis na duguan at walang malay sa kalsada. Isinugod agad nila ito sa Silang Specialists Medical Center, Nagtamo siya ng bali sa dalawang binti at braso at ang kaniyang mukha ay namamaga sa lakas ng impact ng pagtilapon niya at ang pinakamasakit inoperahan siya sa ulo sapagkat namuo ang dugo sa kaniyang ulo limang araw na siyang Hindi nagigisng nito lamang June 25, 2017 (11:00 pm) binawian siya ng buhay kalunos lunos ang sinapit niya yung tipong sasabihin mo na sa kaniya na kung hhindi mo na kaya sumuko kana kesa makikita mo siyang nahihirapan yung itsura niya dati ibang iba na kase namamaga na buong mukha at dalawang binti at braso niya dinudugo na rin siya pero hanggang huli tuloy ang laban para sa kaniya punong puno ng pag-asa at dasal ang aming mga puso. Ngayong wala na siya umaasa pa rin kami na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Binihisan,pinakain at pinag-aral ng kaniyang mga Magulang tas sasagasaan at pinatay lamang ng sino man hindi ko alam kung may puwang ka pa dito sa mundo, nakakain at nakakatulog ka pa kaya sa ginawa mo tanong ko lang din inuusig ka ba ng konsensya mo? Yung buhay at pangarap niya naglaho na parang bula dahil sayo. Paano na ang mga Magulang, kapatid at pamilya niya, kung makakalmot man ang isip pwes ang puso hindi. Hustisya ang kailangan namin Diyos at ang batas na ang bahala sayo God bless you. Wala na ang Dadeng na MakaDiyos, determinado, masipag, mpagmahal sa pamilya at higit sa lahat gusto niyang maging maayos ang buhay ng pamilya niya. Tulungan niyo po kaming makamit ang hustisya.alam naming masaya kana sa piling ng Amang nasa langit, tulungan mo kaming mahanap ang pumatay sayo. kasama mo na ang Ama till we meet again😭😭😭😭😭😭
#JusticeForMeldieDesturaRico
#KMJS
#KindlyShare
#IMBESTIGADOR
[source]