Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

'Akala Ko Pa Naman Ikaw Na Yung Babaeng Pakakasalan Ko' Guy Cries Over Sad Breakup With Girlfriend



Nasusukat ba sa tagal ng pagsasama para masabi ng isang lalake na siya na talaga ang babaeng papakasalan ko? Lalo na at pasimula pa lang ang kanilang pagsasama at marami pa silang problemang haharapin. Ganito ang iniisip ni Almario Salgado sa kanyang girlfriend o Ex girlfriend matapos makipaghiwalay ang babae sa kanya. Akala niya sila na hanggang huli, pero nauwi rin pala sa hiwalayan ang halos 2 buwan nilang pagsasama. Kaya sa kanyang post na lang niya inilabas lahat ng saloobin para sa kanyang Ex. Basahin niyo po.


Nag simula sa bolahan, natapos sa ayawan.
(WAG MO NA BASAHIN KUNG WALA KANG MAIDUDULOT NA MAGANDANG SASABIHIN)
kanina lang mag kasama pa tayo, ngayon break na tayo. hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin to. Hindi naman ako nag kulang sayo, pero bakit ako'y iniwan mo? Akala ko pa naman ikaw na yung babaeng pakakasalan ko, yun pala akala ko lang pala talaga. Ang sakit lang kasi iniwanan mo na ko. 

Ginawa ko naman lahat para maging masaya ka ulit sakin eh. Pero bakit iniwan mo pa din ako? Ang sakit sakit para sakin na anlaki laki ng ininvest kong feelings para sayo. Kasing laki na ata ng kaban ng bayan yung na invest kong feelings para sayo eh. Tapos ambilis mo lang sabihin na ayaw mo na. Sabi mo mahal mo pa ko pero hindi kana masaya. Diba pag mahal mo gagawin mo lahat para lumigaya ulit kayo? Pero bakit ako na lang yung gumagawa ng paraan para maayos ulit ito? Sinira mo yung mga mga pangakong binitawan mo sakin na 

Kaya ko pinag laban pag ibig natin kasi sabi mo mahal mo ako. Hindi kita sinukuan pero ikaw na mismo sumuko sating dalawa. Ang sakit sakit lang talaga para sakin na mahal na mahal kita pero nakuhaan mo kong sukuan. Sabi mo hindi mo kayang suklian yung mga pag mamahal na naibibigay ko sayo. Kaya mo naman eh, nag bago ka lang talaga. Siguro nga dadating din talaga yung araw na mag babago ang lahat. Yung dating sweet na kayo, magiging cold na lang tapos biglang mawawala na parang bula. Ang galing diba? Sana ganun din kabilis mawala yung feelings ko para sayo. Pero salamat pa din sa lahat. Sa mga panandaliang kasiyahan na naibahagi mo sakin. Mga oras at effort na nagawa mo para sakin. Sa pag aalaga sa akin. Sa pag mamamahal sakin. MARAMINGG SALAMAT SA LAHAT. At pasensya na din kung masyado akong naging kj para sayo. Pasensya kana ha? Ayoko lang kasi talagang mawala ka sakin kaya ang higpit higpit ko sayo eh. Ansakit lang kasi nag aalala ako sayo pero ikaw pa tong nagagalit kasi ganun ako sayo :( pero ayos lang mahal naman kita eh. Sorry din kung nung una is nag kulang din ako. Hindi din kita na trato ng tama, pero mahal na mahal kita. Alam mo naman yan diba? SORRY SA LAHAT. At sana maging masaya ka desisyon mo. Alam mo namang supporta lang ako sayo diba? Kung saan ka masaya edi doon din ako. Sana ako na lang ulit yung dahilan kung bakit ka masaya. Pero malabo na ata itong mangyari kasi ginawa ko naman na yung lahat eh, hindi kana talaga masaya sakin. hays nakakalungkot no? Siguro nga masyado na kitang minamahal kaya ka din nag sasawa. Hindi na ko nag tira para sa sarili ko. Masyado kong binuhos lahat ng pag mamahal ko sayo. Wala eh, mahal na mahal kita eh. Ganun naman diba pag mahal mo? Gagawin mo yung lahat para sa kanya? Sana mag ingat ka palagi ha? sayang naman at hindi ikaw yung mapapangasawa ko. Ayoko na sana mapunta ka sa mga lalakeng mapag laro pag dating sa pag ibig. Pero wala eh inayawan mo na ko eh. Wala na akong magagawa. Sana maging successful ka someday ^_^ gusto ko mas better kana sa ngayon ha? tsaka kumain ka palagi sa tamang oras. Wag mo pababayaan sarili mo ha? Mahalin mo sarili mo gaya ng pag mamahal mo sa mga magulang mo. Mag iingat ka sa mga lalakeng makakalandian mo ha? Pumili ka ng kagaya ko. Pero this time doon ka naman sa kagaya ko pero kaya kang pasayahin. I mean yung sakto sa trip mo. Siguro matatagal bago ako maka move on pero wag ka mag alala magiging strong ako kagaya ng sinabi mo. Sayang talaga, nanghihinayang ako sa relasyon natin. Pero wala eh ayaw mo na eh. Sige na masyado na tong mahaba at madrama hahaha kalalaki kong tao eh. Sorry nga pala kung ang weak ko tignan nung iniyakan kita sa harap mo. Hindi ko napigilan eh. Mag ingat ka palagi ha? Mahal na mahal kita tandaan mo yan. ^_^ Siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa. Iloveyou and Goodbye. 





Source: newsinfophilippines

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]