Sa Kalagitnaang Ng Buhos Ng Ulan Hindi Niya Inaasahan Ang Ganito Ang Gagawin Ng Lalakeng Ito Sa Kanila. Alamin Niyo Po Ang Kanyang Kwento.
Sa Kalagitnaang Ng Buhos Ng Ulan Hindi Niya Inaasahan Ang Ganito Ang Gagawin Ng Lalakeng Ito Sa Kanila. Alamin Niyo Po Ang Kanyang Kwento.
Sa panahon ngayon kung saan mas marami na ang taong mapanglamang sa kapwa at walang pakealam sa iba. Bibihira na lang natin mabalitaan ang ibang tao na tumulong at nagmagandang loob sa mga taong hindi kaano ano at kakilala at hindi naghihintay ng kahit anong kapalit.
Tulad ng kwento ng netizen na ito matapos maipit sa kasagsagan ng buhos ng ulan ay may isang lalake na nagmagandang loob para sa mga gustong makatawid o makapunta sa kanilang pupuntahan gamit ang kanyang payong ay inihahatid niya ito.
Basahin po niyo ang kanyang kwento.
Kagabi, around 7pm, biglang umulan ng sobrang lakas sa San Miguel. Nakakatakot yung kidlat at kulog. Andaming stranded. Pero etong si kuyang may payong, nagalok na ihatid ang mga tao sa mga sakayan (kasama kami dun).
Kami yung unang tinulungan niya at plano naming bayaran siya kahit magkano lang. Bilang pasasalmat ba.
Nung hinatid niya kami sa harap ng Robinson's, habang naglalakad, sabi niya:
"Ayan, di baleng ako ang mabasa. Wag lang kayo."
After niyang tumulong samin, ni hindi siya humingi ng kapalit. Umalis agad siya. TUMULONG SA IBA PANG WALANG DALANG PAYONG. HINATID NIYA KUNG SAAN SAAN.
Pinanuod ko lang siya kasi naamazed ako eh. hahaha.
After 30mins, tumila din yung ulan kahit papano. Nilapitan ko siya, at inabutan ko ng pangmeryenda. Nagpasalamat siya. Napangiti ako kasi kita kong masaya siya na nakatulong siya sa maraming tao.
Minsan, sa kabila ng maraming pangit na nangyayari sa mundo, isang taong may mabuting puso lang ang kailangan natin para ma-restore yung faith natin sa humanity. KUDOS KAY KUYA!!! 👍👍👍