Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Ogie Diaz, Ibinahagi Sa Social Media Ang Naging Pahayag Ng Aktor Na Si John Loyd Cruz Tungkol Sa Videos Na Kumalat Nito Lamang - PH TRENDING

Comedian-Actor Ogie Diaz, ibinahagi sa social media ang damdamin ng aktor na si John Loyd Cruz matapos magviral sa social media ang kaniyang video na tila ito'y lasing.

Pinag-uusapan ng marami kamakailan lang ang issue tungkol kay John Loyd Cruz at Ellen Adarna matapos magviral ang mga videos at pictures na sila ay magkasama at sweet sa isa't-isa.

Sa post ng comedian-actor, sinabi nito ang saloobin ng aktor na sinabi nito sa kaniya habang sila ay nasa Taping ng , Home Sweetie Home na pinagbibidahan ng aktor.

"Niyakap ko si JLC pagkita namin sa taping ng "Home Sweetie Home." Alam na niya ang ibig sabihin ng mahigpit na yakap.
"Natuto ako, Ogs. Wala naman akong pinagsisisihan, we were enjoying that time. Nalungkot lang talaga ako dun sa dirty finger. Ayoko siyang makita ng mga bata. I've learned so much from this. I'm really sorry."

Natuwa din si JLC, dahil despite the viral videos, marami pa rin daw siyang nabasang comments na ipinagtanggol siya at naintindihan siya.

"Gulat talaga ako du'n. Dami nag-defend din sa akin sa mga comments. Nakakatuwa. Pero siyempre, lesson learned for me ito. Thank you sa lahat."

Inaako din ni JLC ang pangyayari at huwag na lang daw idamay si Ellen Adarna at ang kaibigan nitong nag-upload.
In fairness to majority of the netizens, madali silang makaunawa, magpatawad lalo na at first time lang naman ito nangyari kay Lloydi.
Wala naman siyang tinapakang ibang tao, wala naman siyang dinehadong kapwa. Naalala pa rin ng mga tao na TAO lang din si Lloydi. Tulad natin, nagkakamali, nagsisisi at natututo.
Nangyari na ang nangyari, next step: moving on and moving forward.



So what can you say about ogie's post ?  Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]