"Nakatanggap ako ng tawag mula sa sales boy ko may package daw akong dumating at hiningian siya ng 1k"
Talamak na sa Pinas ang iba't ibang klase ng modus para magkaroon ng pera. Isang netizen ang nagpost sa social media tungkol sa kanyang karanasan matapos siyang makatanggap ng isang package mula sa isang "Delivery Boy" na nakamotor. Kwento niya ay huminto daw ito sa tapat ng kanilang tindahan at nag-abot ng isang selyadong package kapalit ay 1,000 pesos para makuha ito.
Basahin ang buong kwento:
Warning:
Kahapon po mga about 6 pm na, isang nakamotor ang huminto sa retail shop ko sa sta. monica, mag isa lang bantay ko dahil may activity kami sa church, pinauwi ko ng maaga ang cashier ko. Nakatanggap ako ng tawag mula sa sales boy ko may package daw akong dumating at hiningian siya ng 1k. Pagpasok sa shop ko, kunwari daw may kausap atako daw kausap niya. Ang sabi iwan na lang dun ang package at kunin ang pera sa sales boy ko. Binigay naman ng sales boy ko yung 1k na hinihingi niya. Nung matauhan na ang sales boy, yun tumawag sa akin at pinaalam ang nangyare. Nabudol budol na siya. Eto ang package na binigay niya. Guys share niyo po ang post ko para sa awareness ng lahat. Wag po kayo maniniwala sa mga ganitong modus. Lagi po tayong mapanuri. Kunin ang id ng mga nagdideliver kuno para sa safety natin.. nawa'y maging silbing aral eto at babala sa lahat po ng mga may tindahan.
Source: Ginna Rapsing Kvebek-Olsen