Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

"Ito Yung Mga Pagkakataon Na Habang Buhay Kong Pagsisisihan" Nagpaalam Ang Lalakeng Ito Sa Kanilang Relasyon. Basahin Ang Kanyang Nakakaiyak Na Mensahe.


"Ito Yung Mga Pagkakataon Na Habang Buhay Kong Pagsisisihan" Nagpaalam Ang Lalakeng Ito Sa Kanilang Relasyon. Basahin Ang Kanyang Nakakaiyak Na Mensahe. 

Sa isang relasyon, walang permanente, hindi natin masasabi na dahil masaya tayo ngayon bukas ay ganun pa rin. Maraming problema na kakaharapin at nasa inyo na ng iyong karelasyon kung paano niyo ito susulusyonan.

Marami ang sumusuko dahil sa mga tukso, marami ang nagpapaka-martyr dahil sa salitang "wala eh, mahal ko" pero hanggang saan? Sabi nga nila kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating sa punto na mapapagod ka, at iisipin mong sumuko. Tulad nang nangyari sa relasyon ng isang netizen na si Buildex Pagales, masaya sila mahal nila ang isa't isa pero dahil na rin sa isang pagkakamali, nawala na ang lahat.

Ika nga nila palaging nasa huli ang pagsisisi at iyon ang nararamdaman ngayon ni Buildex at alam niya sa pagkakataong ito, wala ng balikan pang magaganap.

Basahin ang pamamaaalam ni Buildex, at alam natin na bibihira sa isang lalake ang maglaan ng mahabang mensahe at hindi rin madali na umamin ng kamalian pero kapag ito ay nagawa ng isang lalake tiyak mahal na mahal niya ang babae.

ITO YUN EH, ITO YUNG MGA PAGKAKATAON NA HABANG BUHAY KONG PAGSISISIHAN

Ilang araw kong pinag-isipan to bago ko to gawin, alam ko kasi na di ka na makikinig sa mga sasabihin ko, kasi diba? Pagod ka nang makinig sa lahat, lahat tungkol sakin lahat ng tungkol sa atin. At wala akong pake kung anong sasabihin ng tao sakin, kasi gusto kong malaman nila kung bakit din tayo naghiwalay.

Isa lang naman ang masasabi ko, "nagsisisi ako" nagsisisi ako kasi umabot tayo sa ganito, alam ko kung gano tayo kasaya nung mga araw na okay tayo. Kasi sobrang magkaibigan tayo, sobrang close tayo. Meron tayong mga bagay na pinag-aawayan pero mas marami ang mga bagay na nagkakasundo tayo.

Pangalawa, nagsisisi ako kasi nag iba na talaga. Hindi ito ang unang hiwalayan natin, pero ito yung pinaka malala talaga. Ito yung tipong di ko na nakikitaan ng pag-asang maayos pa. Ibang iba na, kung pano ka kumilos, kung pano ka makipag-usap at higit sa lahat kung pano ka naging masaya dahil wala na ako. 

Ang sakit isipin na dati alam kong ako ang pinaka-importante para sa'yo, alam ko yun at ramdam ko yun. Sobrang naging malamig ang mundo ko kasabay ng kung paano mo ako ituring ngayon. Para bang walang ako, parang di na ako nag-eexist para sa'yo. Nakita ko kung gano ka kasaya ngayon, sobrang saya mo na para bang tanggap na tanggap mo nang wala ako tapos ako ito hirap na hirap. Shet

Pangatlo at panghuli, nagsisisi ako dahil wala ka na. Wala kana, literal. Di na kita maramdaman kahit minsan magkasama tayo gawa ng parehas lang tayo ng mga kaibigan kumbaga circle of friends lang tayo. Kung lahat nga ng mga kaibigan natin pagod na para sa atin pati nanay ko, pano pa kaya tayo diba? Pano ka pa?

Napagod na ang mundo sa istoryang paulit-ulit nalang. Napagod na ang lahat sa pakikinig ng istoryang nakakasawa na. Isa din yun sa mga dahilan kung bakit dito ko 'to sinabi, kasi wala na akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, kahit sa mga matalik kong kaibigan nahihiya na akong magkwento tungkol sa ating dalawa. Nawala kana talaga, naiinggit ako sa mga bagay na napagsasaya sa'yo. Inggit na inggit ako kasi alam kong masaya kana at sana ako din.

Alam ko lahat ng pagkakamali ko, kasi SINUNGALING ako eh at di lang isang beses akong nagsinungaling, ang lufet ko kasi ilang beses kong ginawa. Punyeta talaga ako. Mahal kita, oo nandun tayo sa mahal kita pero sabi nga nila hindi sapat ang pagmamahal para maging okay ang isang relasyon. 

Gusto ko lang sabihin na SORRY, yan yung word na di mo na paniniwalaan dahil sa akin yung word na wala nang meaning sa'yo pero sorry kasi umabot tayo sa ganito, sorry kasi pinaramdam ko sa'yo to sorry kasi medyo bad boy talaga ako.
Ayaw kong maging OA pero kailangan ko na tong ilabas. Pasensya kana, Love.








vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]