Slide show

[people][slideshow]
Powered by Blogger.

Akala Mo Ay Nag-magandang Loob Yun Pala Ay Ganito Ang Gagawin Niya Sa Iyo

Akala Mo Ay Nag-magandang Loob Yun Pala Ay Ganito Ang Gagawin Niya Sa Iyo

Isang taxi driver raw and di umano na buwaya kung tawagin dahil sa sobrang taas ng bill na ibinibigay sa kaniyang pasahero. Ito ay kwento na nanggaling sa Facebook page na All about the Philippines. Pag-dating raw ng biktima sa NAIA Terminal 3 ay makikita sa pilahan ang driver na ito at tinanong raw siya na saan raw ang biktima pa punta. Sinabi ng biktima na sa QC sauyo ang kanyang destinasyon at sabi naman ng driver ay siya na lang raw ang sakyan para igarahe na din pauwe ang kanyang sasakyan. Pero nagtaka ang biktima na tila mabilis raw ang metro nito at tinanong ang driver kung ito ba ang bill niya, ang sabi ng driver hindi raw ito yung bill malalaman raw ito kapag-naiprint na. Nagulat na lamang siya ng dumating sa destinasyon at makita ang resibo P 1,850 ang kanyang bayarin. Basahin po natin ang buong istorya.

Basahin:

-BABALA sa NAIA T3.


Kanina pag dating ko sa NAIA terminal 3 dumiretso ako sa pilahan ng mga taxi. Tapos itong Kupal na taxi driver na to nakapila din dun tinanong ako san ako pupunta sabi ko sa QC Sauyo. Sabi nya sya nalang daw sakyan kasi pauwi igagarahe na nya taxi. Nagtataka ako ang bilis ng metro nya. Tinanong ko pa kung yun ang bill ko sabi nya Hindi daw, malalaman daw pag naiprint na ang resibo.


Nung mejo malapit na kami, sa may bandang Quirino Highway sabi nya ung taxi nya daw naubusan ng gas at hnd na daw tatakbo. Kaya dun nalang ako nagpababa. Nagulat ako nung iniabot na sakin ang resibo inabot ng 1,850. Anak ng kupal sabi ko bat ang mahal. Sabi nya e un daw talaga.


Nakipagtawaran pa ako kasi alam ko na hnd aabot ng isang libo hangang sa may Mindanao lahit traffic pa. E nung umaga Hindi masyado matrafic. Sana mabigyan ng leksyong tong hayop na to. Magingat kayo sa Kupal na to lalo na sa mga OFW. Pakitandaan ang Mukha nya sa NAIA terminal 3


yan nakapila Plate Number: UWA 660. PakiShare po ng mabigyan babala ang iba. 😡😡😡


i-SHARE nyo na din po sa GROUPS nyo at parePOST po sa mga PAGE nyo admin. Palagay po ng #BuwayasaNAIAt3.

Ang sabi ng isang netizen bakit hindi raw tugma ang kwento ng biktima at ang resibo niya dahil makikita raw na ang sabi niya umaga ang byahe niya samantalang gabi naman ang nasa resibo. Pero sabi naman ng ibang netizen ay tampered na raw yung meter at wala na raw kredibilidad ang mga impormasyon na nakasulat sa resibo. Basahin.


Paliwanag naman ng ilang netizen na imposible raw na umabot ng P 1,850 ang kanyang bill. Basahin po natin ang kanilang kalkulasyon.


Ang artikulong ito ay nag-sisilbing babala lamang sa atin na pwede po itong mangyari kahit kanino.

Ibahagi niyo po samin ang inyong opinyon tungkol rito sa pamamagitan ng pag-kumento sa ibaba. Maraming salamat sa inyo pag-bisita.

vehicles

[cars][stack]

business

[business][grids]

health

[health][btop]